^

PSN Palaro

Pacquiao minaliit ng Scottish boxer

-
Minaliit ni Scott Harrison si Manny Pacquiao matapos lumabas ang isang istorya sa The Scotsman, isang pahayagan sa Scotland, na hindi sa kanya uubra ang tanyag na Pilipino.

"To tell you honestly, I don’t think it’s a strong division now," wika ni Harrison na magdedepensa ng kanyang World Boxing Organization featherweight title ngayong Sabado sa Braehead Arena sa Glasgow, Scotland.

"Pacquiao and (Injin) Chi? I could beat them both," dagdag pa ni Harrison, na mayroong dalang 21-2-1 win-loss-draw kartada na may-roong kasamang 11 knockouts. Si Chi ang kasalukuyang kampeon ng featherweight division ng World Boxing Council (WBC).

Bagamat hindi naman gaanong iniismol ni Harrison ang kanyang mga ka-tsokaran sa 126-lb division, tiwala siya na kaya niyang talunin ang sinuman upang magbigay daan sa kanyang pangangampanya sa mataas na division.

"I will step up a weight and do the same there."

Bahagyang nasira ang imahe ni Pacquiao matapos ang kanyang Mayo 8 duwelo kay Juan Manuel Marquez ng Mexico sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada, kung saan pinabagsak ni Pacquiao ang kalaban ng tatlong beses ngunit nabigo itong tapusin ang laban.

Inaasahan na babalik sa aksiyon si Pacquiao sa Setyembre kontra kay Marquez o di kaya’y si Marco Antonio Barrera, ayon kay Murad Muhammad, ang US promoter ni Pacquiao.

Samantala, nagtipon-tipon kahapon ang miyembro ng Ratings Committee ng Games and Amusements Board upang gawin ang May 2004 ratings. Pinangunahan ni GAB boxing division head Noli Flores ang mga nagsidalo ng meeting.

Tinanghal na Boxer of the Month si Michael Domingo, sa super-bantamweight na tumalo sa isang Koreano na rated No. 11 ng WBC.

Nagsipuntahan din sa meeting sina Alex Villacampa, Nard Trinidad, Dominic Menor, Nick Giongco, Dr. Nasser Cruz, JC de Guzman at Glenn Fuentebella.

vuukle comment

ALEX VILLACAMPA

BOXER OF THE MONTH

BRAEHEAD ARENA

DOMINIC MENOR

DR. NASSER CRUZ

GAMES AND AMUSEMENTS BOARD

GLENN FUENTEBELLA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with