^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Kanino ka, Welcoat o Viva?

-
Sa kanilang mga nakalipas na pagsalang sa kampeonato, ang Viva Mineral Water-FEU at Welcoat Paints ay kapwa nagwagi sa series-opener. Pero sa kasamaang palad ay kapwa rin sila natalo sa tatlo sa kasunod na apat na laro, kabilang ang sukdulang Game 5, upang mabigo silang makamit ang titulo.

Sa kabila nito, hindi naniniwala sina Water Force coach Koy Banal at Paintmasters mentor Caloy Garcia na malas ang manalo sa unang laro ng finals at parehong determinado ang kanilang mga tropa na kunin ang Game 1 ng kanilang best-of-5 titular series para sa korona ng Philippine Basketball League 2004 Unity Cup, na lalarga ngayon sa Pasig Sports Center.

Ang laban ay itinakda sa ganap na alas-3:30 ng hapon o matapos ang one-game battle for third sa pagitan ng napatalsik na kampeong Hapee Toothpaste at Toyota Otis-Letran sa ala-una y medya.

Gaano ka-importante ang Game 1?

Sinasabi na sa maikling seryeng gaya nito, ang koponang nagwawagi sa Game 1 ay may napakalaki o higit sa 70% probabilidad na masungkit ang titulo.

Ang Viva ay papasok sa seryeng ito na may mas magandang rekord, 13-3 kumpara sa 10-6 ng Welcoat, subalit ang lahat sa kabiguan ng Water Force ay nagmula sa Paintmasters dahilan upang walang maging klarong paborito o liya-mado sa kanilang pagtutuos na ito.

Ang dalawang koponan ay parehong may solidong starting unit at malalim na reserba. (Ulat ni IB)

ANG VIVA

CALOY GARCIA

HAPEE TOOTHPASTE

KOY BANAL

PAINTMASTERS

PASIG SPORTS CENTER

PHILIPPINE BASKETBALL LEAGUE

TOYOTA OTIS-LETRAN

UNITY CUP

WATER FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with