^

PSN Palaro

PBL Unity Cup: Pananalasa itutuloy ng Welcoat

-
Maipagpatuloy ang kanilang pananalasa ang pakay ng nangungunang Welcoat Paints at baguhang Toyota Otis-Letran sa magkahiwalay nilang pagpalaot ngayon sa Philippine Basketball League 2004 Unity Cup sa Pasig Sports Center.

Tangan ang imakuladang 5-0 rekord, haharapin ng Paint Masters ang Montana Pawnshop sa ika-4 ng hapong sultada habang tatangkain naman ng Knights na mai-poste ang ikatlong kabit na tagumpay sa pagsagupa nito sa lumulubog na Lee Pipes-Ateneo sa unang laban sa alas-dos.

Para kay Welcoat rookie coach Caloy Garcia, batid niyang habang sumusulong ang torneo ay pabigat nang pabigat ang kanilang mga laban at hindi siya magtataka kung sa isa sa mga susunod nilang asignatura ay makatamo na sila ng kabiguan.

Laban sa Jewels, ang Paint Masters ay makikipagtagisan sa koponang may iisang panalo pa lamang na naitatala at inabandona ng head coach.

Ang Paint Masters ay manggagaling sa 78-73 over-time win kontra sa defending champion Hapee Toothpaste kamakalawa.

Dahil umano sa estado ng kanyang kalusugan, si Bong Go ay nagbitiw bilang punong taga-gabay ng Jewels matapos ang 72-69 pagyuko ng kanyang tropa sa Blu Star noong Martes. Siya ay pinalitan ni Toto Dojillo sa kapasidad bilang interim coach.

Samantala, matapos mabigo sa unang dalawang asignatura sa komperensyang ito, ang Knights ay nagposte ng magkatalikod na tagumpay, pinakahuli ay ang 70-64 pag-silat sa Sunkist-UST noong Abril 15, na siya nilang nais sundan sa pakikipagtagpong ito sa Blue Eagles, na hindi pa nakakatikim ng panalo mata-pos ang 4 nitong pagsalang. (Ulat ni IAN BRION)

vuukle comment

ANG PAINT MASTERS

BLU STAR

BLUE EAGLES

CALOY GARCIA

HAPEE TOOTHPASTE

LEE PIPES-ATENEO

MONTANA PAWNSHOP

PAINT MASTERS

PASIG SPORTS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with