^

PSN Palaro

Reyes vs Bustamante 'dream match' malamang matupad

-
Malamang na maisakatuparan ang isang dream match sa pagitan nina Francisco "Django" Bustamante at Efren "Bata" Reyes.

At ito ay kung ilalabas nila ang tunay na porma sa pagdako ng San Miguel Asian 9-Ball Tour na gaganapin sa Hong Kong.

May ranggo na No. 1 at 2 sa elite 32-players na kalahok, sina Bustamante at Reyes ay nasa magkahiwalay na draw sa tennis-style, knockout format event, at umaasang magagapi ang kani-kanilang kalaban upang isaayos ang dream match para sa kampeonatong nagkakahalaga ng $10,000.

Ngunit madaling sabihin at mahirap gawin.

Para kay Reyes na umasam ng kanyang ikatlong sunod na panalo dito matapos maghari sa Singapore at Vietnam legs ng five-nation hopping series na itinataguyod ng San Miguel at inorganisa ng ESPN STAR Sports Management Group, ay nagsabi na mahirap ang magiging labanan ikonsidera ang lalim ng mga kalahok na kinabibilangan nina dating two-time world champion Chao Fong Pang ng Taiwan at grupo ng mga bata at may talentong pool players na handang biguin ang mga Pinoy sa kanilang dalawang araw na kampanya sa torneong ito.

vuukle comment

BALL TOUR

BATA

BUSTAMANTE

CHAO FONG PANG

DJANGO

HONG KONG

REYES

SAN MIGUEL

SAN MIGUEL ASIAN

SPORTS MANAGEMENT GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with