Kulang sa intensity si Jefferson
March 15, 2004 | 12:00am
Tatlong games ang ibinigay na palugit ng FedEx kay Alvin Jefferson upang patunayan nito na karapat-dapat siyang manatili bilang import ng Express. Pero walang nangyari sa FedEx na nakalasap ng tatlong sunud-sunod na pagkatalo.
Unay dinurog sila ng San Miguel Beer, 105-76. Pagkatapos ay pinayuko sila ng Talk N Text, 116-104. Noong Huwebes ay natalo naman sila sa Barangay Ginebra, 102-93 sa ikalawang out-of-town game ng PBA Fiesta Cup na ginanap sa Balanga Peoples Center sa Bataan.
Sa tatlong games ay nag-average lang si Jefferson ng 15.67 puntos, 14 rebounds, 0.67 assist, 1.33 steal, 2.67 blocked shots at dalawang errors sa 36.67 minuto.
Masyadong mababa ang mga numerong ito kumpara sa nume-rong itinala ng ibang imports. Kaya naman nagdesisyon na ang FedEx na sibakin si Jefferson.
Sa tutoo lang, bago pa man nagsimula ang torneo ay naisip na ng FedEx na palayasin si Jefferson na siyang pinakaunang import na dumating sa bansa. Kaya lang nakapirma kaagad ito ng guaranteed contract kaya nakakapanghinayang naman na pauwiin siya kaagad nang hindi man lang pinakikinabangan. Sayang ang dolyares na ibinayad sa kanya.
Kaya naman binigyan siya ng three games na palugit. Kung nanalo man lang ang FedEx kahit na isang beses ay baka nagtagal nang kaunti si Jefferson.
Sayang!
Marami ang nagsasabing maganda ang pangangatawan ni Jefferson. Matangkad siya at bagay na bagay sa Fiesta Cup. Pero hindi maganda ang kanyang ugali, e. Lalamya-lamya siya at hindi nagkikipaglaban sa pagkuha ng bola. Hindi niya ina-assert ang kanyang sarili at pinanonod lang ang kanyang kalaban at mga kakampi.
Ang tanging magugunita hinggil kay Jefferson ay ang pangyayaring winasak niya ang board sa Araneta Coliseum sa kanilang practice game ng Alaska Aces dalawang araw bago nagsimula ang Fiesta Cup. Yun lang. Pagkatapos ay forgettable na ang lahat.
Padaratingin ng FedEx bilang kapalit ni Jefferson si Mike Maddox ng Georgia Tech. Si Maddox ay galing sa stint sa China kung saan naglaro siya para sa Xinjiang Gyang Hui. Naglaro din siya sa Atlanta Trojans sa USBL.
Kung mahuhusay lang ang import ng FedEx, malaki sana ang kanilang tsansang makapamayagpag. Kasi ngay apat na local players ni coach Bonnie Garcia ang nag-aaverage ng double figures sa unang tatlong laro nila. Si Vergel Meneses ay may 13.33 points at sinundan siya nina Roger Yap (11 points), Ranidel de Ocampo (10.33 points) at Ren Ren Ritualo (10 points). Balanseng-balanse ang opensa ng FedEx at wala nang po-problemahin pa si Garcia. Sayang at nagkamali kaagad sila ng pinarating na import. Sana ay namili sila nang husto bago kinuha si Jefferson.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended