Mag-aaral ng Tandang Sora Elem. aagaw ng atensiyon
February 23, 2004 | 12:00am
Ang mga mag-aaral mula sa Tandang Sora Elementary School ang siya namang aagaw ng atensiyon kung saan magdaraos ang Beam-Zest-O Patakbong Pinoy ng special na yugto para sa benipisyo ng physical education program ng naturang paaralan at ng mga volleyball players sa Feb. 29, Linggo sa University of the Philippines (UP) Academic oval sa Quezon City.
Ang mahigit sa 500 kalahok ay binubuo ng grades four, five at six students na lalahok sa 2.2 kilometrong tatlong ikot ng karera para sa cash prizes at eleganteng medalya na mula sa Beam Toothpaste at Zest-O Juice Drinks.
Tatanggap ang Tandang Sora Elementary School ng sports equipment at cash donation mula sa organizers na naglaan ng special na yugto sa pamamagitan ng schools Physical Education coordinator na si Gabriel Caluya at may suporta mula sa principal na si Rosita R. Santiago.
Ang mga volleyball players naman ng paara-lan ay palaging kumakatawan sa Quezon City at sa National Capital Region sa regional competitions.
Limang mag-aaral ng volleyball players ang inaasahang lalahok sa taunang Palarong Pambansa na gaganapin sa alinman sa Iloilo o Tacloban sa Visayas Region ngayong taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest