Mahaba ang listahan ng imbitado sa PSA Awards Night
January 3, 2004 | 12:00am
Mahabang listahan ng mga opisyal gayundin ng mga kaibigan mula sa local sports ang inimbitahan upang makisalo sa maningning na gabi kung saan ang mga outstanding athletes ay pararangalan ng Philippine Sprtswriters Association sa kanilang Annual Awards Night sa Jan. 9 sa Manila Pavilion.
Pangungunahan nina International Olympic Committee (IOC) representative to the Philippines Frank Elizalde, Philippine Sports Commission (PSC) Chair Eric Buhain at Philippine Olympic Committee (POC) president Cito Dayrit ang mga top opisyal na inimbitahan sa dalawang oras na pagtitipon na pagbibigay award sa mga atleta na nagkaloob sa bansa ng karangalan noong nakaraang taon.
Kabilang din sa listahan ng mga panauhin sina Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Noli Eala, PBA Chairman Jun Cabalan, Philippine Basketball League (PBL) chief Chino Trinidad, Congressman Monico Puentevella, mga pinuno ng national sports associations at miyembro ng corporate community na tumulong sa local sports.
Ayon kay PSA President Roberto Cuevas ng Manila Standard, ang lahat ay handa na para sa nasabing pagtitipon na inaasahang dadaluhan ng First Couple, President Gloria Macapagal-Arroyo at ng First Gentleman Mike Arroyo.
" I am glad to announce that all is set for the Awards Night. January 9 will be a momentous and important evening for the athletes, sports officials and to all who love sports," wika ni Cuevas.
Pararangalan sina pro boxer Manny Pacquiao at bowler CJ Suarez bilang co-winners ng Athlete of the Year award ang mangunguna sa listahan ng mga atletang gagawaran ng award sa kasiyahang ito na sponsored ng Red Bull at Agfa Colors, at suportado ng PSC, PBA, Manila Mayor Lito Atienza , San Miguel Corporation at POC.
Sinabi pa ni Cuevas na ang mga hindi pa nakakatanggap ng kani-kanilang imbitasyon bago sumapit ang Awards Night ay maaari nilang kunin sa reception area ng grand ballroom bago magsimula ang programa.
Ang nasabing Awards Night ay ipalalabas ng NBN-4 kung saan sina Alex Compton at Lala Roque ang mga hosts.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended