^

PSN Palaro

Nakaraos din ang Pasko !

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
O kita nyo’t nakaraos din!

Kahit di masyadong pera, kahit di masyadong malalaki ang regalo, kahit di magarbo ang mga damit, kahit hindi masyadong bongga ang mga pagkaing naihanda, okay na okay pa rin.

Masaya pa rin ang Pasko!

Nai-celebrate din kahit paano.

Dumaan din sa buhay natin ang isa na namang araw ng Kapaskuhan!

Meri Krismas po sa inyong lahat!
* * *
Dasal ko rin, maging mas maayos at mas malaki ang PBA sa 2004.

Hindi kaila sa marami ang dinaanang pagdurusa ng PBA nitong 2003.

At ngayon, bago pumasok ang 2004 season, wala pa itong carrying station.

Hindi pa alam kung sino--Channel 4, Channel 5 ba o may iba pang channel.

Napaka-importanteng malaman yan ngayon na dahil diyan naka-depende ang marketing aspect ng liga for the whole year. Or for the years to come.

Sana sa lalong madaling panahon, maayos ito ng PBA para maging daan ito for a better bigger 2004 PBA season.

Wish ko rin, sana mas maraming Pinoy players na ang mag-rise and shine sa PBA next year.

Nakita n’yo yung Mythical Team sa awards night recently?

Aba, dalawa na lang ang Purong Pinoy dun, lahat Fil-Am na.

At sa Mythical Five, isa na lang ang nakapasok na Pinoy at yan ay si Dennis Espino.

Sa pointguard, si Alapag na, sa sentro si Taulava na, sa dos, si Cariaso na. At andiyan pa si Rudy Hatfield.

Nakakaloka.

Whatever happened to Phlippine basketball?

Hindi na tayo makagawa ng pang-superstar sa PBA?

Wala na nga ba, kailangan na nga bang manggaling na sa ibang bansa ang maghahari sa PBA?
* * *
And every year, ginagawa namin to–Merry Christmas sa mga inaanak namin sa basketball world–kay Angelo James Patrimonio (anak ni Alvin), kay Dono Victoria (anak ni Boybits), kay Carmela Dawn Lastimosa (anak nina Jojo at Butchick Lastimosa), kay Champ Pujante, sa mga inaanak ko kina Ronnie Magsanoc, Boy Cabahug, Ato Agustin, coach Joel Banal, sa apo nina coach Nat at Tess Canson.

At sa iba ko pang inaanak, Merry Christmas mula sa inyong ninong na nakalimutan na kayo...he he he...

vuukle comment

ANGELO JAMES PATRIMONIO

ATO AGUSTIN

BOY CABAHUG

BUTCHICK LASTIMOSA

CARMELA DAWN LASTIMOSA

CHAMP PUJANTE

DENNIS ESPINO

DONO VICTORIA

MERRY CHRISTMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with