^

PSN Palaro

Tamayo, Domingo sa jins finals

-
HO CHI MINH -- Isinalba nina Kalindi Tamayo at Veronica Domingo ang mga Filipino taekwondo jins kahapon matapos ang kanilang masamang simula sa 22nd SEA Games Competition sa Phi The Indoor Stadium dito.

Matapos maka-bye sa quarterfinals, ang 2001 Kuala Lumpur SEA Games silver medalist na si Tama-yo ay umusad sa women’s bantamweight finals ng walang kahirap-hirap nang mag-withdraw ang kanyang kalabang Malaysian na si Elaine Teo Shueh dahil sa injury.

Tinalo naman ng defending SEA Games champion na si lightweight Domingo si Emerald Margaret Dhen ng Indonesia, 3-2 para makapasok din sa finals.

Ang mga final bout ay kasalukuyang pinaglalabanan habang sinusulat ang balitang ito.

Ang tagumpay nina Tamayo at Domingo ay hindi sapat para lukuban ang nakakadismayang pagkatalo ni Roberto Cruz sa men’s finweight competition.

Tangka ang kanyang ika-pitong SEA Games gold, nahirapan ang Syd-ney Olympics veteran na si Cruz kay P. Phibunkhanabak ng Thailand bunga ng kanyang 0-1 pagkatalo sa semifinals matapos itong pabagsakin ng Thai. (Ulat ni Dina Marie Villena)

DINA MARIE VILLENA

DOMINGO

ELAINE TEO SHUEH

EMERALD MARGARET DHEN

GAMES COMPETITION

KALINDI TAMAYO

KUALA LUMPUR

PHI THE INDOOR STADIUM

ROBERTO CRUZ

VERONICA DOMINGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with