^

PSN Palaro

Pacquiao makikipagkita kay PGMA

-
Nakatakdang makipagkita si IBF superbantamweight champion Manny Pacquiao kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ngayon sa Malacañang, dakong alas-2 ng hapon.

Bago ito, isang makulay na ticker-tape parade ang sasalubong kay Pacquiao, na muling nagbigay ng karangalan sa bansa makaraang igupo si Marco Antonio Barrera sa San Antonio, Texas, pagkatapos ng flag-raising ceremony sa Manila City Hall.

Ang parada ay dadaan sa University Belt, Buendia at Ayala Avenue patungo sa Palasyo ng Malakanyang, kung saan sasalubungin siya ng First Family na kinabibilangan ng Pangulo, First Gentleman Mike Arroyo at Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo, na malapit na kaibigan ng Pinoy champ.

Makakasama naman ni Pacquiao sa pagtungo sa Malacañang ang kanyang asawang si Jinky, dalawang anak na lalaki at ang kanyang business manager na si Rod Nazario.

Magbibigay naman ng concert victory party ang Manila para kay Pacquaio mamayang alas-7 ng gabi sa Plaza Sulayman sa may Roxas Blvd.

vuukle comment

AYALA AVENUE

FIRST FAMILY

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

MALACA

MANILA CITY HALL

MARCO ANTONIO BARRERA

PACQUIAO

PAMPANGA VICE GOVERNOR MIKEY ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with