^

PSN Palaro

'Trademark' ni Pacquiao ipinadama sa mga kaispar

-
Sa gabi ng kanyang pag-alis sa San Antonio, may kabuuan ng tig-apat na round na sparring session na kinabibilangan ng dalawa kontra sa chief sparring partner na si Israel Vasquez noong Linggo ang nagawa na ni Manny Pacquiao sa tanyag na Wild Card Boxing Club sa Hollywood.

At sa huling 10 segundo ng ikalawa at final na round, ipinamalas ni Pacquiao ang kanyang ‘trademark’ na solidong kaliwa na nagpadama ng matinding sakit sa Mexicanong si Vasquez na nagpahanga sa maliit na grupo na nasa loob ng nasabing gym para sa anim na minutong workout.

Bago humiling ang Nicaraguan na si Luiz Perez na mabigyan siya ng oportunidad na maka-ispar ang Filipino champion na ang nasabing ideya ay maluwag namang tinanggap ng kampo ng Pinoy.

At ng umakyat na si Pacquiao sa ibabaw ng lona matapos na magsa-gawa ng punching clinic, mabilis itong nakipaglaro kay Freddie Roach na isa sa mga nangangasiwa sa nakatakdang laban ni Pacquiao kontra kay Marco Antonio Barrera sa Sabado sa Alamodome at sinabi nito na walang dahilan upang siya ay kabahan sa kinakaharap na laban ng boksingerong tubong General Santos City.

Armado ng 100 rounds ng sparring, nananatili si Pacquiao na underdog sa kanyang tangkang makuha ang superstardom sa Lone Star State.

Pero gaya ni Roach, nananatiling optimistiko si Pacquiao na madali niyang matatapos ang kanyang trabaho.

Maging ang respetadong boxing man na si Ramon Lainez, ang siya munang nakatoka para pangasiwaan ang laban ni Pacquiao habang wala ang business manager nitong si Rod Nazario na kasalukuyang nasa Orlando, Florida ay humanga sa kanyang nakita. Si Lainez ay dumating dito na kasama ni Nazario at ni Gerry Garcia noon pang October 20.

Ang Team Pacquiao ay nakatakdang umalis papuntang San Antonio sa alas-4 ng hapon sa Lunes (Martes ng umaga sa Manila) at ang grupo ni Pacquiao ay titira sa Radisson Hotel o kaya ay sa Hotel Valencia Riverwalk.

At sa Martes, nakatakdang magsagawa si Pacquiao ng public press preview. At sa susunod na araw, sina Pacquiao at Barrera ay maghaharap sa isang press conference kasama ang promoter na si Oscar De La Hoya kung saan ang kanyang Golden Boy Promotions ang siyang nagdaos ng nasabing laban na tinaguriang ‘Clash of the Titans.’

ANG TEAM PACQUIAO

CLASH OF THE TITANS

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

GERRY GARCIA

GOLDEN BOY PROMOTIONS

HOTEL VALENCIA RIVERWALK

ISRAEL VASQUEZ

PACQUIAO

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with