^

PSN Palaro

SEA GAMES BLACKOUT?

GAME NA! - Bill Velasco -
Nanganganib na di natin lubusang malaman ang kalalabasan ng ilang events sa Southeast Asian Games sa Vietnam.

Isang buwan na lang, magulo pa ang organizing committee sa mangyayari sa media.

Ayon sa mga kaibigan natin sa hanapbuhay, naging hiwa-hiwalay ang pagdarausan ng ilang event, at pati na rin tirahan ng mga atleta.

Sa halip na iisang athlete’s village, inilapit ang mga lahok sa mga venue.

Hati pa naman sa Hanoi at Ho Chi Minh ang mga laro.

Dahil dito, mapipilitan ang mga magkokober na mag-tulungan, o magdagdag ng reporter.

Tila mas madali ang una. Mahihirapan ang mga bibiya-heng peryodista dahil sanga-sanga rin ang mga media center, at di sila nakakasigurado sa computer system doon.

Hindi pa rin sigurado kung magagampanan ng NBN ang papel nito bilang may karapatang ipalabas ang mga laro sa telebisyon.

Alam nating lahat na pilay ang channel 4 dahil sa mga problema sa PBA coverage.

Ayon sa NBN, halos P50 milyones na ang utang sa kanila ng Summit Sports, na siya diumanong tumatayong financier ng PBA coverage.

Hindi rin daw napapansin ang iba pang pinagkakautangan nito.

Huwag tayong magtataka kung huli tayo sa balita sa SEA Games.

ALAM

AYON

DAHIL

HATI

HO CHI MINH

HUWAG

ISANG

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SUMMIT SPORTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with