^

PSN Palaro

Lerio, Ladon sasabak agad

-
KARACHI, Pakistan -- Ang lima kataong RP Team-Revicon ay halos konting pahinga pa lamang mula sa kanilang matagumpay na kampanya sa India ay sasabak agad sa mabigat na aksiyon sa 12-nation Green Hill Cup Boxing Tournament dito.

Aakyat sa ring sina Arlan Lerio at Junard Ladon, kapwa gold medalists sa katatapos na First Goa International Championships kasama si Harry Tanamor, na may isang misyon--ang mapanatili ang winning streak ng mga Pinoy boxers.

Ang Sydney Olympics veteran na si Lerio, ang ipinagmamalaki ng Antipas, North Cotabato ay makakaharap si Yutthaphonsut Nongbu ng Thailand bilang paunang asignatura sa bantamweight division habang si Ladon naman, tubong Bago City at isa sa promising mem-ber ng RP boxing pool ay makakalaban si Song Guk ng Korea sa featherweight duel.

"Non-stop ang campaign natin para makapaghanda talaga tayo sa darating na SEA Games. Hindi madali ang misyon natin na makuha uli ang overall title sa SEA Games boxing kaya kahit wala halos pahinga ang mga bata, tuloy ang laban," ani George Caliwan, head coach ng team na suportado ng Pacific Heights, Accel at Philippine Sports Commission.

Susunod na lalaban si Warlito Parrinas, silver medalist sa Goa sa fly-weight division laban naman kay Kim I-Hyon ng Korea.

Si lightwelterweight Florencio Ferrer, silver medalst din sa Goa at lightfly Tanamor ay susuporta muna sa kanilang mga kakampi habang naghihintay ng kanilang laban.

"Sakripisyo at pagtitiis, para sa bayan ito. Ipagdarasal namin kayong lahat dito," ani Amateur Boxing Association of the Philippines Manny Lopez sa isang maikling mensaheng ipinadala.

Tinanggap din ni Lopez ang anim kataong RP Team Revicon na sumabak sa Pre-SEA Games Boxing Cham-ionships sa Ho Chi Minh City kung saan tatlong Pinoy ang umukit ng gintong medalya.

"Nakarating na sa amin ang balitang nanalo din ng tatlong golds ang mga boxers natin sa Vietnam. Kaya naman lalong naging inspirado ang mga bata na ituloy-tuloy ang panalo dito sa Pakistan," anaman ni assistant coach Nolito ‘Boy’ Velasco.

Ang Pakistan ay may dalawang team na ipinasok kasama ang Philip-pines, Korea, Thailand, Afghanistan, China, Turkey, Sri Lanka, Kuwait, Kazakhstan, Azerbaijan at Hungary.

vuukle comment

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES MANNY LOPEZ

ANG PAKISTAN

ANG SYDNEY OLYMPICS

ARLAN LERIO

BAGO CITY

FIRST GOA INTERNATIONAL CHAMPIONSHIPS

FLORENCIO FERRER

GAMES BOXING CHAM

GEORGE CALIWAN

GREEN HILL CUP BOXING TOURNAMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with