^

PSN Palaro

"FIESTA LETRANISTA" PARA SA BAGONG NCAA CHAMPIONS

- Nap Gutierrez -
Congratulations sa Letran Knights sa pagkakapanalo nila ng NCAA 2003 season. Napakaganda ng pagkapanalo nila at tunay namang napakasarap ng feeling ganyang nagbunga na rin ang matagal nilang pinaghirapan.

Nakakatuwa rin para kay Louie Alas na mula nang mawala sa Talk N Text ay nag-akalang tapos na ang kanyang coaching career. Pero ngayong naka-isa na naman siya, mainit na naman si Louie.

At congratulations din kay Ronjay Enrile na noon pa man ay alam na naming siyang magiging MVP. Hindi man niya nakuha ang MVP title ng regular season, nakabawi naman siya dahil nakuha niya ang Finals’ MVP. A t para sa amin, mas mahalaga yang Finals’ MVP.

Congratulations na rin sa SSC Stags who all gave a wonderful finals‚ match, pati na rin kay Coach Turing Valenzona.

Again, congratulations, Letran Knights!

At mabuhay ka, Ronjay Enrile!
* * *
Kahapon, sa Letran grounds, isang malaking selebrasyon ang ginanap in honor of the Letran Knights.

Tinawag nila itong ‘Fiesta Letranista’.

Nagkaroon sila ng victory parade sa buong Intramuros, at pagkatapos ay nagkaroon ng isang thanksgiving mass.

Pagkatapos nun, may fireworks, bonfire, kainan, sayawan, tugtugan, at walang humpay na sigawan at hiyawan.

Masarap talagang mag-champion noh?
* * *
Ano raw ba ang nangyayari na naman sa Ginebra San Miguel team?

Matapos silang manalo ng tatlong sunod, hayan at nakaka-dalawang sunod na talo naman ang team na ito.

Baka nga naman, mangyari na naman ang nangyari nung minsan na nagpapanalo sa una pero sa bandang dulo eh nagtatalo naman.

Sana naman eh makabawi ang Ginebra agad.

Ang dami-daming tao sa Makati Coliseum nung isang gabi pero umuwi sila ng luhaan dahil sa tinambakan pa ang paborito nilang team.

Gising, Ginebra, gising!.
* * *
Personal: Happy birthday sa mga inaanak naming sina Angelo James Patrimonio at Dono Victoria (anak ni Boybits). Happy birthday din kay Joey Loyzaga, Jun Nardo, Dolly Anne Carvajal, Eugene Asis, Nene Aguilar, at kay Bong Revilla.Happy birthday din kay Allan Collantes mula kay Haydee de Guzman. And happy reading sa mga regular Pilipino Star readers na sina Louie Camacho, Rex Celestial, Ricky Roxas, Arnold Tonga, at Frankie Ligatus.

Salamat sa inyong walang sawang pagsuporta sa PSN.

vuukle comment

ALLAN COLLANTES

ANGELO JAMES PATRIMONIO

ARNOLD TONGA

BONG REVILLA

COACH TURING VALENZONA

DOLLY ANNE CARVAJAL

LETRAN KNIGHTS

NAMAN

RONJAY ENRILE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with