^

PSN Palaro

Phone Pals tuloy ang pananalasa

-
Sumandal ang Talk N Text kina Asi Taulava at Jimmy Alapag upang takasan ang mahigpit na hamon ng importless na Shell, 98-93 sa Samsung-PBA Reinforced Conference sa Cuneta Astrodome.

Kahit wala si import Cedric Webber na napilayan, nagawa pa ring makasabay ng Shell ngunit nagsanib naman ng puwersa sina Taulava at Alapag upang lukuban ang mahinang point production ng kanilang import na si Damian Cantrell.

Kumawala ang Phone Pals sa pagkakatabla ng iskor nang umiskor ng walong puntos si Taulava habang kumamada naman si Alapag ng siyam na puntos sa huling limang minuto ng labanan upang iligtas sa kapahamakan ang Talk N Text.

Ito ang ikalimang sunod na panalo ng Phone Pals matapos mabigo sa kanilang debut game sa season-ending conference na ito para agawin ang liderato sa Group B sa Coca-Cola na bumagsak sa ikalawang puwesto taglay ang 4-0 record.

Tumapos si Taulava ng 29-puntos, 17 rebounds at limang assists habang nagsumite naman si Alapag ng 20-puntos at 15 assists para sa Phone Pals. Tumapos lamang si Cantrell ng 17 puntos ngunit mayroon naman itong 24 rebounds.

vuukle comment

ALAPAG

ASI TAULAVA

CEDRIC WEBBER

CUNETA ASTRODOME

DAMIAN CANTRELL

GROUP B

JIMMY ALAPAG

PHONE PALS

TALK N TEXT

TAULAVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with