^

PSN Palaro

2 bagong imports makikipagtunggali sa mga datihan

-
Dalawang bagong imports ang tututukan ngayon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Samsung PBA Reinforced Conference na dadako sa PhilSports Arena.

Makakasagupa ng Invitational titlists Alaska ang Sta. Lucia sa alas-5:00 ng hapon habang sisimulan naman ng Coca-Cola, dalawang beses na nag-runner-up sa taong ito, ang kanilang kampanya sa pakikipagharap sa Purefoods sa alas-7:30 ng gabi.

Mga dating imports ang kinuha ng Aces at Tigers, ang mga finalists sa nakaraang Invitational championships, para sa kanilang kampanya sa ikatlong kumperensiyang ito.

Bagong mukha naman ang ipaparada ng Realtors at TJ Hotdogs.

Kinuha ng Sta. Lucia si Nate James na galing sa Duke University ha-bang si Harold Arceneaux naman ang sasandalan ng Purefoods.

Sa dalawang ito, si James ang pinakaaabangan ng lahat. Ang 6-foot-4 swingman na si James ay may average na 12.3 puntos at 5.2 rebounds bilang senior sa Duke Blue Devils kung saan nakasama nito sina Alaska import Chris Carawell at Ginebra reinforcement Ricky Price.

Si Arceneaux ay may average na 22 puntos sa kanyang dalawang taong paglalaro sa Weber State.

Si Carawell ay isa sa dalawang Duke player na nagposte ng 1,000-plus points, 600-plus rebounds, 100-plus blocks at 300-plus assists. Ang isa’y si Grant Hill ng Orlando Magic.

Si Tee McClarry naman, naging import ng Mobiline, ang kinuha ng Coca-Cola para palakasin ang kanilang frontline.

Samantala, dumating na kamakalawa ang import ng San Miguel na si Shea Seals bilang kapalit ni Cris Clack na bumagsak sa drug tests. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

CARMELA OCHOA

CHRIS CARAWELL

COCA-COLA

CRIS CLACK

DUKE BLUE DEVILS

DUKE UNIVERSITY

GRANT HILL

HAROLD ARCENEAUX

NATE JAMES

ORLANDO MAGIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with