^

PSN Palaro

Natividad, Ang nagbida sa juniors category ng JVC Open

-
Ipinadama nina Mark Natividad at Kelvin Ang ang kanilang supremidad sa boys event, habang nanalasa naman sina Raquel Guerrero at Karenina Paredes sa kanilang division sa juniors category sa pagtiklop ng JVC Open Badminton Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati nitong Linggo.

Tinalo ni Natividad ang kanyang double partner na si Marlon Villarin,15-4,15-2 upang ibulsa ang 18-under plum habang nanaig naman si Ang kay Kelvin Dalisay, 15-2, 15-2 para sa 14-under diadem sa event na ito na nagtampok rin sa mga superstars sa nasabing sports .

Nagposte naman si Guerrero ng straight-game na panalo kontra Chona Rivera, 11-4, 11-6 upang isubi ang 18-under crown sa girls side, habang namayani naman si Paredes kontra KarynVelez sa 13-12, 11-0 para sa 14-under title.

Sina Natividad at Guerrero ay nag-uwi ng tig-P6,000 at Gen Txt mobile phone para sa kanilang panalo, habang sina Ang at Paredes ay tumanggap ng P270,000 halaga ng educational plan mula sa Pioneer Life.

Nabigo si Natividad na masungkit ang korona sa doubles sa 18-under class nang makipagtambal ito kay Villarin at malasap ang masaklap na kabiguan mula sa mga kamay ng duo nina Michael Paclibar-Wilmer Frias, 17-16, 17-15.

Gayunman, nagawang bumawi ni Natividad nang makipag-pareha naman ito kay Paula Obanana upang hakutin ang mixed doubles crown sa bisa ng 15-4, 15-9 pananaig kontra Michael Paclibar at Chona Rivera.

CHONA RIVERA

GEN TXT

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

GUERRERO

KARENINA PAREDES

KELVIN ANG

KELVIN DALISAY

MARK NATIVIDAD

MARLON VILLARIN

NATIVIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with