^

PSN Palaro

TnT taob sa Shell

-
Hindi naging malaking epekto ang pagkawala ni import Sedric Webber sa line-up ng Shell sa first half upang iposte ang unang panalo ng Turbo Chargers kontra sa Talk N Text Phone Pals, 114-100 sa pagbabalik ng aksiyon ng PBA Reinforced Conference sa Cuneta Astrodome kagabi.

Kinailangan ng Turbo Chargers na sumandig sa kanilang local line-up matapos na magtamo ng strained right hamstring si Webber sa kaagahan ng first period na nagbunga naman ng maganda at itala ang isang malaking sorpresa matapos na ipalasap sa Phone Pals ang kanilang unang pag-katalo.

Bagamat nananatili sa dugout ang reinforcement ng Turbo Chargers, naku-hang iwanan ng tropa ni coach Perry Ronquillo ang Phone Pals sa 29-25 sa unang canto na tinam-pukan ng buzzer-beating triple ni Anthony dela Cruz na nagpaisklab ng husto nang kumamada ito ng 16-of-26 sa first half.

At ng magbalik na si Webber sa second half, lalong naging mabangis ang Shell at kanilang ibinaon ang Phone Pals sa 17 puntos, 57-40, bago kanila pa itong napalobo sa 22 puntos, 76-54 bago nagawang sumagot ng Talk N Text sa 78-66 nang trangkuhan ni Jimmy Alapag ang opensa ng kanyang koponan. - (Maribeth Repizo)

vuukle comment

CUNETA ASTRODOME

JIMMY ALAPAG

MARIBETH REPIZO

PERRY RONQUILLO

PHONE PALS

REINFORCED CONFERENCE

SEDRIC WEBBER

TALK N TEXT

TALK N TEXT PHONE PALS

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with