^

PSN Palaro

Seede players nanalo

-
Ang lahat ay nagtala ng magaang na panalo, maliban lamang sa nag-iisang seeded bets ang kinailangang nagpamalas ng tunay na porma at magposte ng straight set na panalo kahapon upang dominahin ang badminton Championships sa PSC Badminton hall sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila.

Pinangunahan ng defending men’s singles champion na si Ian Piencenaves at dating titlist na si Kennevic Asuncion ang atake ng mga paborito sa upper at lower brackets ng 128-man draw sa premiere men’s single event kung saan dinispatsa ng una si Harry Villareal, 15-0, 15-1 bago hiniya si Michael Benitez, 15-0, 15-0.

Pinabagsak din ng co-third ranked players na sina Arolas Amahit at Rodel Bartolome sina Ramin Cruz, 15-1, 15-2 at Ryan Conde,15-1, 15-1, ayon sa pagkakasunod, habang ang sumunod na tatlong rankings bets sina Reynaldo Selga, Prospero Aguilar at Wally Fernandez ay pawang nagtala ng magaang na panalo upang umusad sa round of 32 ng elite category ng nasabing event na hatid ng electronics giant JVC sa ikatlong sunod na taon.

Ginapi ni Selga si Reybold Jardin, 15-1, 15-1; sinilat ni Aguilar si Ronel Carreon, 15-4, 15-3 at pinayukod ni Fernandez si Ace Domingo, 15-2, 15-3.

Tanging si Jojo Mance, na nasa ikalimang ranggo sa premiere class ang kinailangang sumandig sa extra set bago niya naisulong ang kanyang panalo matapos na gapiin si Ben Jonas Garcia, 15-5, 12-15, 15-7.

vuukle comment

ACE DOMINGO

AROLAS AMAHIT

BEN JONAS GARCIA

HARRY VILLAREAL

IAN PIENCENAVES

JOJO MANCE

KENNEVIC ASUNCION

MICHAEL BENITEZ

PROSPERO AGUILAR

RAMIN CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with