Alaska, Red Bull mag-uunahan
August 8, 2003 | 12:00am
Ikatlong sunod na panalo ang target ng Alaska Aces at Red Bull Barako sa magkahiwalay na laro ngayon sa Samsung PBA Invitationals sa Cuneta Astrodome.
Ang Cebuana Lhuillier-RP Team ang makakalaban ng Alaska Aces sa pambungad na laban, alas-5:00 ng hapon habang ang Novi Sad-Yugoslavia naman ang makakasagupa ng Red Bull sa alas-7:30 ng gabi.
Nagsosolong lider ang Aces sa Group B taglay ang 2-0 record habang kasosyo naman ng Barakos ang walang larong Talk N Text sa Group A.
Kung mananalo ang Talk N Text at Alaska, halos nakakasiguro na ito sa top-two na papasok sa crossover semifinals kung saan ang no. 1 team at no. 2 team ng grupo ang maglalaban.
Hangad naman ng RP Team, may 1-1 kartada katabla ang Coca-Cola Tigers, na manatili sa kontensiyon sa pamamagitan ng kanilang tagumpay.
Walang ipinanalo ang Novi Sad-Yugoslavia sa kanilang unang dalawang laro ngunit may gahibla pa silang tsansang makapasok sa susunod na round.
Ang iba pang foreign teams na Yonsei Univer-sity mula sa Korea at Magnolia Jilin Yi Qi mula sa China ay parehong sibak na sa kontensiyon bunga ng tatlong sunod na talo. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended