^

PSN Palaro

Lizardo gold sa flyweight

-
Sumandig ang US Open silver medalist na si John Paul Lizardo ng La Salle sa kanyang karanasan upang patalsikin ang lahok ng UST na si Giorgio Von de Guzman, 3-2 at ibulsa ang junior men’s flyweight gold medal kahapon sa Samsung Best of the Best Taekwondo Championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.

Umabante ang 17-anyos na si Lizardo sa 1-0 kalamangan sa unang round ng kanyang patamaan si De Guzman sa bisa ng 45-degree kick sa kaliwang bahagi bago nakadikit sa kanyang kalaban at nagawa niyang makipagsabayan upang iposte ang nasabing tagumpay.

Napanatili naman ni Cathy Jane Hampac ng Zamboanga, ang nakaraang taong most valuable performer kasama si Lizardo ang junior women’s finweight crown nang kanyang talunin si Cristina Faye Dagpin ng Angeles University Foundation, 8-5 sa isa pang kasiya siyang labanan sa tourney na ito na inorganisa ng Philippine Taekwondo Association.

Sinalanta ni Hampac si Dagpin sa pamamagitan ng 45-degree at isa pang matinding sipa ang kanyang pinatama upang itala ang 6-3 kalamangan makaraan ang dalawang rounds.

Sa wakas, nakopo na rin ni Rolly Pentecostes ng Cotabato, na nabigo kay Lizardo noong nakaraang taong din, ang korona nang kanya namang pabagsakin ang US at Korean Open veteran na si Raymund Abellar ng Don Bosco Makati, 11-4.

vuukle comment

ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION

CATHY JANE HAMPAC

CRISTINA FAYE DAGPIN

DE GUZMAN

DON BOSCO MAKATI

GIORGIO VON

GLORIETTA ACTIVITY CENTER

JOHN PAUL LIZARDO

KOREAN OPEN

LIZARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with