^

PSN Palaro

Alapag una sa karera ng mga rookies

-
Sa impresibong performance ni Jimmy Alapag, marami ang nagsasabing mas dapat na una itong napili sa PBA Draft bago siya kinuha bilang ika-10th overall pick.

At sa mga pangyayari, maraming team ang tiyak na nagsisisi makaraang pakawalan nila ang Fil-Am playmaker.

Ngunit para kay Alapag, wala pa siyang naipapakita.

"We ‘re still in the middle of the season so I don’t think there’s a verdict our yet. There’s still a lot to work to be accomplished," anaman ng 5’7 na dating miyembro ng National Pool.

Gayunpaman, maraming ulo na ang umiikot sa ipinakikitang husay ni Alapag.

Sa pagtatapos ng elimination round, nangunguna si Alapag sa karera ng mga rookies sa scoring (16.1 pts. per game) at assists (7.1per game). At isang indikasyon din ang pagkapanalo niya sa three-point shooutout noong All-Star game.

Mas maganda pa ang produksiyon niya kaysa sa No. 1pick na si Mike Cortez ng Alaska.

Una rin si Alapag sa steals sa kanyang 1.8 per game at katunayan kung ngayon magbobotohan para sa Rookie of the Year award, magiging mahigpit ang kanilang bakbakan para sa karangalan at malamang na pinakadikit na laban sa kasaysayan ng liga.

ALAPAG

FIL-AM

GAME

GAYUNPAMAN

JIMMY ALAPAG

MIKE CORTEZ

NATIONAL POOL

NGUNIT

PARA

ROOKIE OF THE YEAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with