230 Plus
June 1, 2003 | 12:00am
Iyan ang dami ng PBA players na pumasa sa mandatory drug testing ng liga.
Subalit ang iilang di nakalusot ay umaangal dahil sa kasamaang naidulot nito sa kanilang mga reputasyon. Makatarungan nga ba ang drug testing? Tignan natin ang pamamaraan ng pangongolekta ng mga sampol.
Una, ang representante ng Department of Health ay pumupunta sa dalawang manlalaro ng bawat team (sa kaso ng random drug testing) at kumukuha ng ihi ng dalawa sa tig-dalawang bote. Isinasara ang mga bote't pinipirmahan ng player. Dinadala ang mga ito kay Dr. Ben Salud, na ilang taon nang doktor ng PBA. Inaalis ni Salud ang pangalan ng player, at nilalagyan na lamang ng numero bilang pala-tandaan. Pagkatapos, sa harap ng grupo ng mga taga-DOH, Dr. Salud at PBA technical official Perry Martinez, binubuksan ang tig-iisang sampol, at sinusubukan. Kung may lumabas na positibo sa mga ipinagbabawal na gamot, ipinapadala ito sa laboratoryo para makumpirma.
Sa mandatory testing naman (na sumasakop sa lahat ng player at kasama sa pagpapatakbo ng team), lahat ng sampol ay dinadala sa tanggapan ng PBA upang sabay-sabay na subukan.
"Na-shock kaming lahat nang malaman namin," sabi ni Allan Caidic, head coach ng Ginebra Gin Kings. "Dahil, sa pagkaka-alam ko, sa team namin - o kahit sa buong PBA - isa si Jun Limpot sa mga pinaka-health-conscious na player."
"Hindi namin pinagbibintangan ang sinumang player," paliwanag ni PBA Com. Noli Eala. "Lubusan ang pag-iingat na ginawa namin sa pagsiwalat nito. Ang sinabi lang namin, hindi sila pumasa sa drug test. Hindi namin sinasabing gumagamit sila ng drugs."
Isa si Limpot sa anim na sumabit sa pinakahuling drug testing. Humihiling ang mga player na nabanggit ng pag-ulit sa kanilang drug test. Subalit yung dating sample pa rin ang gagamitin, kaya malabong magbago ang resulta nito.
Ayon kay Eala, malabong magkamali ang kumuha ng sampol dahil ang ginagamit na makina ng DOH ay kapareho ng makinang ginagamit ng FBI. Para itong isang magnet, na humihila lamang sa mga bawal na sangkap. Kung tutoo nga ito, paano lilitaw ang mga diumano'y gamot para sa sipon na sinasabi ng ilan sa mga player na ginamit nila? Ito'y kailangan patunayan sa iba pang test, subalit lumipas na ang panahon na diumano'y nasa katawan ng player ang mga gamot na nakita sa naunang drug test.
Ilang koponan ang nagsimula ng sarili nilang drug testing, para maresolba ang mga lilitaw pang problema bago pa man umabot sa PBA. Para sa mga nangangamba, panahon na para mag-ingat. Para sa mahigit 230 na nakapasa ng malinis, taas-noo silang maglalaro ng mas matindi. Nakita nila kung paanong maaaring maglaho ang lahat sa isang iglap.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended