^

PSN Palaro

Handa na si Torres sa Asian Athletics Grand Prix

-
Tapos na sa pagiging anino sa mas eksperyensadong at senoior teammate na si Lerma Bulauitan ang bagong long jump national champion na si Maristella Torres at sinabi nitong handa siyang harapin ang mga paghamon.

Nangako si Torres, dating Palarong Pambansa champion na lumaki sa pangangalaga ng kanyang coach na si Mario Pajarillo sa kanyang secondary years, na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa kanyang pagsabak ngayon kasama si Gabito sa unang yugto ng four-leg Asian Athletics Grand Prix sa hyderabad, India.

"Hindi po masyadong maganda ang performance ko nung nakaraang national open pero nakahanda po ako ngayon na sumabak sa Grand Prix," wika ng 22-gulang na si Torres, tubong Negros Oriental bago ito umalis noong Lunes para sa torneong magtatapos sa June 9 na gaganapin sa Manila para sa ikaapat at huling leg.

Hangad ni Torres, nangitim na sa kanyang masusing pagsasanay para sa Southeast Asian Games sa Vietnam sa Disyembre, na higitan ang kanyang bronze medal finish sa Asian Championships noong nakaraang taon sa Sri Lanka kung saan tumalon din si Gabito ng 6.40 metro tulad niya pero natalo ito ng kanyang senior sa tie break para sa silver. Ang gold ay napunta sa Kazakh na lumundag ng 6.61m.

Dahil sa kanilang naturang performance ang dalawa ay na-pre-qualify ng AGP organizers bilang dalawang tanging Filipinang sasali sa 2003 meet. Ang top five sa lahat ng 15 events lamang ang qualified.

Ang RP women’s long record ay hawak ng retirado na ngayong si Elma Muros na nagtala ng 6.56 metro sa national open sa Lingayen, Pangasinan noong 1997 at siya rin ang may hawak ng SEA Games mark na 6.52m na kanyang itinala noong 1989 Kuala Lumpur tournament.

vuukle comment

ASIAN ATHLETICS GRAND PRIX

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ELMA MUROS

GABITO

GRAND PRIX

KANYANG

KUALA LUMPUR

LERMA BULAUITAN

MARIO PAJARILLO

MARISTELLA TORRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with