^

PSN Palaro

De Ocampo lider sa karera ng MVP para sa Sunkist-PBL 2003 Unity

-
Sundan kaya ni Ranidel de Ocampo ang yapak ng kanyang kapatid na si Yancy bilang isa sa greatest PBL players ng 20 Years and Beyond?

Bagamat patuloy pa rin ang Sunkist-PBL 2003 Unity Cup, ang 6’5 na manlalaro ng John-O ay may malakas na senyales para sa Most Valuable Player award.

Sa kasalukuyan si de Ocampo ay nangunguna sa karera sa kanyang

189 points matapos kumuha ng 129 points sa statistics at 60 points sa won games.

Siya rin ang ikaapat na pinakamahusay sa scoring sa average na 15.6 points bawat laro, 4th sa rebound na may 8.6 at 7th sa mga three-pointers na may mataas na 46 percent.

Nakadikit naman sa ikalawang puwesto si Rich Alvarez ng Hapee na may 184 points mula sa 109 statistical points at 75 sa won games.

Ngunit kung may malakas na banta ito ay magmumula kay Nelbert Omolon ng Nutri-licious na may 181 points sa statistics. Ang 6’3 na si Omolon ang No.1 league scorer sa kanyang 19.4 points, No. 1 sa blocks sa 2.8, pinakamahusay sa field goals sa 66 percent (33-of-50) at 7th sa rebound na may 7.6.

Umagaw din ng atensiyon si Peter June Simon ng Hapee na may magandang kontri-busyon para sa Teeth Sparklers.

Si Simon ay may isang puntos na agwat kay Omolon sa kanyang 180. Panglima din siya sa scoring sa 14.4 bukod pa sa average na 3.3 rebounds per game.

Isa pang hinuhubog na dominanteng sentro ay si Irvin Sotto ng Nutri-licious. Ang 6’7 na si Sotto ay 5th overall sa kanyang 179, ikatlo sa scoring sa 17.4, no. 1 sa rebounds sa 11.4 at 2nd sa shot blocks sa 1.6 bukod sa 2.8 assists per game.

Kukumpleto naman sa top 10 contenders ay sina Ricky Calimag ng John-O (159 SPs), Allan Salangsang ng Hapee (156 SPs), Tristan Codamon ng Blu Star (146 SPs) at Jason Misolas at Francis Gerard Jones ng Viva Mineral Water na may 140 SPs

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

BLU STAR

FRANCIS GERARD JONES

HAPEE

IRVIN SOTTO

JASON MISOLAS

JOHN-O

MOST VALUABLE PLAYER

NELBERT OMOLON

POINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with