^

PSN Palaro

Nutri-licios ubos sa Welcoat

-
Naglabas ng intensidad sa huling bahagi ng sagupaan ang Welcoat Paints upang itakas ang 87-57 tagumpay kontra sa Nutri-licious kahapon sa pagpapatuloy ng Sunkist-PBL Unity Cup sa Makati Coliseum.

Humakot si Jojo Tangkay ng 17 puntos at anim na rebounds, habang nagdagdag naman sina Abby Santos at Ariel Capus ng 16 at 15, pun-tos, ayon sa pagkakasunod upang ibigay sa Welcoat ang kanilang ikalawang panalo matapos ang anim na laro.

At para kay coach Leo Austria, ang panalong ito ng Welcoat ang siyang magiging panimula ng koponan para sa pag-akyat sa itaas.

Sa umpisa pa lamang ng laban, kontrolado na ng Paint Masters ang tempo nang kumana si Tangkay ng pitong puntos upang itala ang 19-11 kalamangan sa first quarter, habang nagsalpak naman sina Santos at Capus ng tig-walong puntos sa sumunod na frame upang palawigin ang kanilang bentahe sa 40-23 sa halftime.

vuukle comment

ABBY SANTOS

ARIEL CAPUS

CAPUS

JOJO TANGKAY

LEO AUSTRIA

MAKATI COLISEUM

PAINT MASTERS

UNITY CUP

WELCOAT

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with