^

PSN Palaro

Kantahan at sayawan sa opening ng MYG

-
Kantahan at sayawan ang magiging highlight sa opening ceremony ng 2nd Manila Youth Games (MYG) sa Linggo, Abril 6 sa Rizal Memorial Sports Complex kung saan pararangalan ang mga Manilenyong sports greats.

Matatandaan na noong nakaraang taong opening ceremony ng unang MYG, pinangunahan ni baseball legend Filomeno ‘Boy’ Codiñera ang mga Manilenyong sports greats kasama sina swimmer’s Akiko Thompson, Andres Franco ng athletics, Adriano Torres Jr., ng badminton, chess’ Chito Garma, Joaquin Loyzaga ng football, Felicisimo Ampon ng tennis at Ricardo Fortaleza ng boxing dahil sa kani-kanilang naiambag na karangalan sa bansa.

Mayroong ring cheering squad competition para sa mga mahuhusay na paaralan sa bansa at acrobatic show upang mas lalong patingkarin ang seremonya ng 2nd MYG ngayong taon.

Magbibigay ng kasiyahan, kanta at sayaw ang mga banda at singing groups para bigyan kasiyahan ang big city sa kanilang opening rites na lalahukan ng hindi bababa sa 8,000 kabataan na may edad 15 pababa na sasabak naman sa 14 sports calendar ng MYG.

"We expect to open the 2nd MYG with a bang with this festive opening ceremony and with the intention that all week-long, competitions will be as exciting and heated among the kids," ani Arnold ‘Ali’ Atienza, MASCO chairman.

ABRIL

ADRIANO TORRES JR.

AKIKO THOMPSON

ANDRES FRANCO

CHITO GARMA

FELICISIMO AMPON

JOAQUIN LOYZAGA

MANILA YOUTH GAMES

MANILENYONG

RICARDO FORTALEZA

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with