^

PSN Palaro

UST overall UAAP champ

-
Tinanghal ang University of Santo Tomas bilang overall champion matapos maghari sa collegiate at high school divisions.

Aakyat ang UST sa stage para tanggapin ang trophies sa Huwebes sa Annual Awards Night ng liga sa Quezon City Sports Club.

Bagamat hindi naging maganda ang pagtatapos ng UST sa centerpiece men’s basketball tournament na pinagwagian ng Ateneo ngunit naging matagumpay naman sa ibang kompetisyon para pamunuan ang pito sa 26 events at pumangalawa rin sa pitong events upang makopo ang seniors division’s overall crown.

Naging mahigpit na kalaban ng Tigers sa collegiate level ang La Salle na nakakuha ng siyam na titulo ngunit bigo sa iba pang events. Ang Tigers ay may 295 puntos habang ang La Salle ay may 273 lamang.

Pinangunahan ng UST ang men’s athletics, judo, lawn tennis, table tennis, taekwondo at volleyball at women’s table tennis habang naging matagumpay naman ang La Salle sa men’s baseball, chess at swimming at women’s basketball, badminton, chess, football, lawn tennis at swimming.

AAKYAT

ANG TIGERS

ANNUAL AWARDS NIGHT

ATENEO

BAGAMAT

HUWEBES

LA SALLE

PINANGUNAHAN

QUEZON CITY SPORTS CLUB

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with