^

PSN Palaro

Talk N Text iginupo ng Alaska

-
Pinagmulta ng Talk N Text management si Paul Asi Taulava ng halagang P100,000 hanggang P200,000 dahil sa insidente ng pagkakaroon ng bahid ng ‘marijuana’ sa kanyang urine sample.

Suspindido ng dalawang laro ng PBA, maaaring lumawig pa ang hindi nito paglalaro para sa Phone Pals dahil kailangan niya munang kumuha ng certificate of rehabilitation para mabigyan ng permit ng GAB.

Ang kanyang unang permit na ibinigay ng GAB ay pansamantala lamang bago lumabas ang resulta ng kanilang drug test.

At dahil sa natuklasan ang bahid ng marijuana sa kanyang urine kailangang dumaan muna ito sa isa pang drug test at mabiyayaan ng sertipikasyon para muling makalaro.

Sa unang pakikipagharap ni Don Camaso laban sa kanyang dating tropa, ibinuhos niya ang kanyang lakas upang pamunuan ang Alaska Aces sa pagdurog sa Talk ‘N Text, 96-78 sa PBA Samsung All-Filipino Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Humakot si Camaso, dating nasa tropa ng Phone Pals na na-trade sa Alaska kapalit ng kanilang 10th pick, ng 17-puntos bukod pa sa kanyang 10-rebounds at isang assists para sa Alaska na maagang humarurot sa labanan.

Malaking tulong sa Alaska ang di paglalaro ni Taulava na nagsilbi ng kanyang ikalawa at huling game suspension matapos lumabas na positibo sa bakas ng marijuana sa isinagawang drug testing ng PBA.

Samantala, nakipagpisan ang PBA sa Department of Health para sa mandatory Random Drug Testing Program ng liga.

Nagpirmahan ng Memorandum of Agreement kagabi sina PBA Commissioner Noli Eala at Health Secretary Manuel Dayrit upang maipatupad ang kautusan ng DOH ang siyang magsasagwa ng pagsusuri para sa mga players.

Dadaan sa screening test ang lahat ng players na mapipiling sumailalim sa drug test at kung lalabas na positibo ang pagsusuri kailangan muling magpa-test para sa confirmation ayon kay Dayrit.

Sinabi naman ni Eala na ang isang player na positibo sa mga ipinagbabawal na ‘substances,’ ay suspindido hangga’t hindi ito sumasailalim sa rehabilitation.

Sakaling ang player ay hindi naman pumayag na magpa-test sa unang abiso, ito ay masususpindi ng isang laro at kung hindi pa rin ito papayag sa ikalawang pagkakataon ay mapagmumulta ito ng malaki o maaaring maban sa PBA.

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

COMMISSIONER NOLI EALA

DEPARTMENT OF HEALTH

DON CAMASO

DRUG TESTING PROGRAM

HEALTH SECRETARY MANUEL DAYRIT

KANYANG

MEMORANDUM OF AGREEMENT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with