^

PSN Palaro

Oversight Commitee sa Vietnam SEAG binuo ng PSC

-
Inihayag ng Philippine Sports Commission ang kanilang plano sa pagbuo ng Oversight Committee para sa 2003 Vietnam Southeast Asian Games kung saan ang mga miyembro nito ay inobligahan na magtrabaho ng hand-in-hand sa kani-kanilang counterparts mula sa technical committee at screening commission na binuo naman ng Philippine Olympic Committee.

At dahil sa walang PSC official na isinama para sa POC group’s selection process para sa Vietnam meet, ayon kay PSC Chairman Eric Buhain na ito na ang tamang oras para bumuo ng Oversight Committee na siyang mamahala para masiguro ang ‘balanced at accurate selection ng mga atleta na siyang kakatawan sa Philippine sa biennial meet.’

"We have visitorial and supervisorial powers over the National Sports Association as guaranteed under Republic Act 6847, the law that created the PSC," ani Buhain. "In lieu of this, we are also accountable for every centavo that will be spent for them for their participation in Vietnam. We will not meddle with the affairs of the PSC officials from running the Asian Games affairs leading to the 1998 Bangkok joust."

Tanging dalawang observer slot lamang ang ibinigay sa PSC ng POC-formed technical commission, na ang desisyon na ito ni POC president Celso Dayrit ayon sa kanya ay kanyang ibinase makaraan ang pamamahala ni dating POC president Cristy Ramos-Jalasco na hindi isinama ang mga PSC officials para pangasiwaan ang Asian Games affairs noong 1998 Bangkok joust.

Ang PSC board ay binubuo nina Buhain at ng kanyang apat na commissioners na sina William Ramirez, Michael Barredo, Leon Montemayor at Ambrosio De Luna.

Inaasahang gagastos ang PSC ng hindi bababa sa P100 milyon sa kanilang preparasyon, training at international exposures ng mga atleta na isasabak sa SEA Games at mahigit sa P35 milyon para sa aktuwal na partisipasyon.

AMBROSIO DE LUNA

ASIAN GAMES

BUHAIN

CELSO DAYRIT

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CRISTY RAMOS-JALASCO

LEON MONTEMAYOR

MICHAEL BARREDO

OVERSIGHT COMMITTEE

PSC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with