^

PSN Palaro

Gin mas matapang sa Beer

-
LIPA City – Sa pasiklaban ng magkapatid na kumpanyang Barangay Ginebra at San Miguel Beer, lumabas na mas matapang ang Gin Kings.

Ito ang resulta ng engkwentro ng magkapatid na kumpanyang Ginebra at San Miguel sa La Salle Centrum kagabi.

Pinangunahan ni Jun Limpot ang Gin Kings tungo sa kanilang 89-83 panalo laban sa kanilang sister team na San Miguel.

Tumapos si Limpot ng 19-puntos na sinuportahan naman ng rookie na si Sunday Salvacion na nagsumite ng 16 markers kasunod si Eric Menk na may 11 habang ang second pick overall na si Romel Adducul ay may 10 puntos.

Malakas ang simula ng San Miguel nang agad nilang iposte ang 18-2 pangunguna sa likod ng puwersa nina rookie Marlon Legaspi, Nick Belasco at Olsen Racela.

Nalimitahan lamang sa anim na puntos ang Ginebra habang kuma-yod naman ng 20 puntos ang San Miguel na kumontrol ng unang bahagi ng labanan.

Ngunit unti-unting nakabangon ang Gin Kings hanggang sa makalapit sa dalawang puntos, 59-57 sa pagtatapos ng ikatlong canto.

Isang exhibition game sa pagitan ng SMC at Oblates of St. Joseph bilang curtain raiser ang San Miguel-Ginebra game.

Nagtala si Alan Caidic ng 35-puntos habang nagdagdag naman si Samboy Lim ng 30 nang igupo ng SMC ang Oblates, 132-119.

Naglaro din si PBA Chairman Jun Cabalan, Ginebra team manager Ira Maniquis, San Miguel coach Jong Uichico at isa pang PBA great na si Hector Calma.

Mula sa Lipa, tutungo naman ang aksiyon sa Malo0los Bulacan kung saan nakatakdang magpang-abot ang Coca-Cola Tigers at FedEx Express.

Nakatakda ang laro sa alas-4:00 ng hapon sa Centro Escolar University gym.

ALAN CAIDIC

BARANGAY GINEBRA

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CHAIRMAN JUN CABALAN

COCA-COLA TIGERS

ERIC MENK

GIN KINGS

GINEBRA

HECTOR CALMA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with