^

PSN Palaro

Montana humihinga pa

-
LIPA CITY – Gumawa ang Montana Jewels ng malaking pagbangon sa final half upang pigilan ang Sunkist-Pampanga sa huling 2:36 minuto ng sagupaan upang iposte ang 83-76 panalo na nagbigay sa kanila ng panibagong pag-asa para sa wildcard entry sa PBL Challenge Cup sa Lipa Sports Cultural Center kahapon dito.

Nanalasa sina Gary David at Edgar Echavez, na tumapos ng 23 at 22 puntos, ayon sa pagkakasunod sa ibinabang atake ng Jewelers sa final na minuto ng laro upang itala ang kanilang ikaanim na panalo matapos ang 11 laro na nagdugtong sa kanila para makalapit sa Group B leader ICTSI na mayroong 6-4 win-loss slate.

Nalasap naman ng Juicers ang kanilang ikasiyam na kabiguan matapos ang dalawang panalo.

"Kagagaling lang kasi sa bakasyon. The desire to win was there pero ang nangyari sa first half, gusto nilang manalo sa sariling effort. Walang team-work," wika ni Montana coach Ronnie Dojillo.

"Kaya kinausap ko sila noong halftime. Good thing, nag-respond naman sila," dagdag pa niya.

Nakalubog sa 33-46 sa halftime, umiskor si Echavez ng 18 puntos sa third canto upang trangkuhan ang Montana na itabla ang iskor sa 60-all matapos ang unang tatlong quarters.

Si David naman ang siyang nangasiwa sa opensa ng Jewelers sa final na yugto ng labanan nang kumana ito ng 14 puntos kabilang ang dalawang triples na nagdala sa Montana sa 78-73 pangunguna may 3:01 ang nalalabi sa laro.

Tanging ang triple lamang ni Charles Tan ang siyang tanging naipuntos ng Sunkist-Pampanga para sa 76-78, 2:36 ang nalalabi sa laro.

Hindi lang ang board ang dominado ng Montana kungdi, nakakuha rin sila ng 20 puntos mula sa offensive rebounds at panibagong 19 puntos sa fast-breaks.

Tumapos si Billy Mamaril ng 17 puntos upang suporta-han sina David at Echavez, bukod pa ang kinanang 11 rebounds upang tabunan ang 24 puntos ni Ollan Omiping ng Juicers.

vuukle comment

BILLY MAMARIL

CHALLENGE CUP

CHARLES TAN

ECHAVEZ

EDGAR ECHAVEZ

GARY DAVID

GROUP B

LIPA SPORTS CULTURAL CENTER

MONTANA JEWELS

OLLAN OMIPING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with