^

PSN Palaro

Ilan kaya sa mga Fil-Ams ang peke?

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Marami-rami na naman ang nag-apply na Fil-Ams para sa 2003 PBA Draft.

Ilan na naman kaya sa mga Fil-Ams na ito ang peke?

Malalaman natin....
*****
Ano kaya ang mangyayari sa Fil-Am investigation ng Senado?

Marami ang naghihintay sa resulta nito.

Importante ito para sa PBA , lalung lalo na nga na sa darating na drafting eh sangkaterba na namang Fil-Ams ang nag-apply.

May mga nagsasabi na yung mga players daw na alam nilang peke ang dokumento nila eh voluntary na lang ang gawing pagbalik sa US at huwag nang maglaro para sa 2003 season.

Sinu-sino kaya ang mauuna?
*****
Nasa Amerika na ang buong Ateneo Blue Eagles. Natuloy din ang kanilang bonus trip at huwag ka, sa dami ng mayayamang alumni ng Ateneo, ang daming dalang baon ng mga Blue Eagles.

Ang sarap talagang mag-champion!
*****
Waging-wagi si Coach Nat Canson sa Indonesia. Bakit kamo?

Yung hawak niyang team doon eh laging kulelat bago siya dumating. Ang laging nagtsa-champion doon eh yung Aspac team. Pero ngayon, medyo nanganganib na rin ang dynasty nila dahil sa biglang pagsibol ng team ni Nat.

Bilib na bilib kay Nat yung mga may-ari ng team dahil mula sa favorite whipping team eh ngayon, pang-championship na agad ang team nila.

Kailan lang, naloka ang ibang mga Indonesian basketball teams dahil biglang-bigla, nasa finals na ang team ni Nat. Second placer lang sila pero napakalaking achievement na ito para sa dating nangungulelat na team.

Mabuhay ka, Coach Nat at patuloy mong itayo ang bandila ng Pilipinas sa Indonesia!
*****
Happy New Year sa lahat ng mga tagasubaybay ng Pilipino Star Ngayon at sa lahat ng kaibigan natin.

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

CENTER

COACH NAT

COACH NAT CANSON

FIL-AMS

HAPPY NEW YEAR

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with