^

PSN Palaro

OFWs kampeon sa PSC-OWWA OFW Friendship Games

-
Kumawala ang mga overseas workers mula sa Riyadh upang tanghaling overall champions sa katatapos lamang na PSC-OWWA OFW Freindship Games: Pamaskong Palaro 2002.

Kumulekta ang Riyadh ng 33 gold, 12 silver at 15 bronzes habang ang Taipei at Kaoshiung na kumuha ng apat at tatlong medals ayon sa pagkakasunod para sa second at third place sa three-day event.

May 270 overseas workers na kumatawan ng 12 overseas job sits at regional office mula sa iba’t ibang dako ng bansa sa Games na may limang events na kinabibilangan ng chess, bowling, darts, table tennis at lawn tennis.

Ang event ay suportado ng PAGCOR, Coca-Cola, Samsung, Metrobank, Duty Free Philippines, Landbank, Unilever, Philam Life, Smart, Adidas at Wyeth Philippines.

Ang PSC sa pamamagitan ni Commissioner Michael Barredo na siyang nangangasiwa ng sectoral concerns sa pakikipagtulungan ng Overseas Operations Coordinating Center ng OWWA sa ilalim ni Director Marianito Roque, ang prime movers ng proyektong ito na naglalayong magbigay ng alternative activity para sa mga OFWs.

Ang event ay offshoot ng Philippine Friendship Games na ginaganap sa pamamagitan ng regional basis sa Middle East, Europe at Asia Pacific.

Kasama nina Commissioner Barredo at Director Cruz si Delmer Cruz, Deputy Administrator ng OWWA sa pamimigay ng medalya at giveaways sa mga nanalo.

ASIA PACIFIC

COMMISSIONER BARREDO

COMMISSIONER MICHAEL BARREDO

DELMER CRUZ

DEPUTY ADMINISTRATOR

DIRECTOR CRUZ

DIRECTOR MARIANITO ROQUE

DUTY FREE PHILIPPINES

FREINDSHIP GAMES

MIDDLE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with