^

PSN Palaro

LG Flatron Billiard Challenge sasargo ngayon

-
Para kina Francisco ‘Django’ Bustamante, na siyang pinakamayaman ngayong taon dahil sa kanyang kinitang mahigit sa $137,000 premyo at pitong major championships at Efren ‘Bata’ Reyes, na maituturing na isang national hero, nakahanda na silang suungin ang matinding hamong posibleng ilatag nina 2002 World Pool Champion Earl ‘The Pearl’ Strickland at 2001 winner Mika ‘The Iceman’ Immonen sa prestihiyosong LG Flatron Billiard Challenge 2 mula Nov. 28-30 sa Las Vegas style setting ng Casino Filipino, Parañaque.

Ang dalawang Filipino cue artist ay kapwa dumating noong pang Martes galing Japan makaraang mapagwagian ni Bustamante ang back-to-back titles nang kanyang igupo si Ralf Souquet sa finals ng IBC Tokyo International 9-Ball Championships, bago tinalo rin niya si Immonen sa 35th All Japan championships.

Makakaharap ni Bustamante si Immonen sa alas-4 ng hapon ngayon, habang makakasagupa naman ni Reyes si Strickland sa tampok na laro dakong alas-6 ng gabi. At bukas, makakalaban ni Reyes si Immonen sa ala-1 ng hapon makaraan ang tunggalian nina 1st Asian 8-Ball championship Rubilen Amit at Iris Ranola sa race-to-7 ladies exhibition match sa alas-3 ng hapon na susundan ng pinakahihintay na paghaharap sa pagitan ng World Pool championship protogonist na sina Strickland at Bustamante.

At ang laban sa Sabado na sisimulan sa race-to-five exhibition ay tatampukan nina PBA superstar Vergel ‘Aerial Voyager’ Meneses at IBF-junior featherweight champion Manny ‘The Destroyer’ Pacquiao.

AERIAL VOYAGER

ALL JAPAN

BALL CHAMPIONSHIPS

BUSTAMANTE

CASINO FILIPINO

FLATRON BILLIARD CHALLENGE

IMMONEN

IRIS RANOLA

LAS VEGAS

REYES

STRICKLAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with