^

PSN Palaro

UE vs FEU sa UAAP

-
Muling binuhay ng traditional powers sa UAAP basketball na University of the East at Far Eastern University ang kanilang mahigpit na rivalry sa kanilang nakatakdang paghaharap sa Game One ng Champions League 2002 best-of-three title series ngayon sa Makati Coliseum.

Nakataya sa kampeonatong labanan na ito ang karapatang tawaging No. 1 college basketball ng bansa.

Nabigyan ng pagkakataon ang Tamaraws na sumali sa liga nang umatras ang De La Salle sa huling sandali makaraang ang isa nilang manlalaro ang reserve center na si Miguelito Gozum ay nag-collapse sa exhibition game ng La Salle gym at namatay pagdating sa hospital.

At bilang tugon sa nasabing imbitasyon, agad na ipinadama ng Tamaraws ang kanilang pangil nang talunin ang University of Baguio Cardinals sa opening game na kanilang ipinagpatuloy hanggang sa makarating sa championship round.

Nakatakda ang banatan ng Red Warriors at Tamaraws sa alas-3:30 ng hapon.

Bago ito, magkakaroon muna ng slam dunk at three-point shooting contest sa alas-3 ng hapon at saka ihahayag ang Mythical Five. (Ulat ni Maribeth repizo)

CHAMPIONS LEAGUE

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

GAME ONE

LA SALLE

MAKATI COLISEUM

MIGUELITO GOZUM

MYTHICAL FIVE

RED WARRIORS

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with