^

PSN Palaro

Liderato naagaw ng Montana

-
Naglabas ng intensibong opensa sa huling maiinit na segundo ng labanan sina Sunday Salvacion at Edgar Echavez upang ipalasap ng Montana Pawnshop ang unang kabiguan ng Welcoat Paints, 87-84 kahapon sa overtime sa pagpapatuloy ng PBL Challenge Cup na dumako pa sa Tarlac State University gym.

Ang panalo ng Jewellers ang siyang tumagpas sa tatlong sunod na panalo ng Paint Masters na naglagay sa kanila sa pakikisosyo sa ikalawang puwesto sanhi ng 3-1 win-loss slate, habang naagaw naman ng Montana ang solong pangunguna matapos na iposte ang 4-1 kartada.

Tumapos si Salvacion ng 25 puntos na ang lima rito ay pawang kinamada niya sa rainbow area bukod pa ang limang rebounds upang isalba ang Montana sa regulation.

Hindi rin nagpahuli si Echavez na tumipa ng 19 puntos, walong rebounds at walong steals kabilang ang isa sa krusiyal na bahagi ng laro na nagbigay daan sa kanyang free throws sa huling 10.4 segundo ang siyang naghatid sa Montana ng tagumpay.

Naging mahigpitan ang labanan sa unang tatlong quarter, gayun-man, nagawang baguhin nina Ronald Tubid at Eddie Laure ang tempo nang kanilang pagtulungang ibaba ang 6-0 salvo upang ibigay sa Welcoat ang 76-71 kalamangan patungong 4:13 ang nalalabi sa final period.

Pero di naging madali para sa Montana na sumuko at sa kabila ng pagkawala ni Jon Dan Salvador sa mga krusiyal na bahagi ng laro dahil sa pagkaka-injured ng kanyang kaliwang paa, nagawang limitahan ng Jewelers ang Paint Masters hanggang sa huling bahagi ng laro na siya nilang naging sandigan sa panalo.(Ulat ni M. Repizo)

vuukle comment

CHALLENGE CUP

EDDIE LAURE

EDGAR ECHAVEZ

JON DAN SALVADOR

MONTANA PAWNSHOP

PAINT MASTERS

RONALD TUBID

SUNDAY SALVACION

TARLAC STATE UNIVERSITY

WELCOAT PAINTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with