^

PSN Palaro

Montana hiniwa ang Blades

-
Nagpasiklab ang di gaanong kilalang si Mike Roldan nang kanyang banderahan ang LBC-Batangas sa huling dalawang minuto upang ihatid sa magandang debut ang Blades matapos ang 84-77 panalo kontra sa Montana Jewels kahapon sa pagbubukas ng 2002 PBL Challenge Cup sa Pasig Sports Center.

Nagsalpak si Roldan, tumapos ng 12 puntos at pitong rebounds ng back-to-back basket na siyang ginawang sandigan ng Blades sa 76-79 pagbangon sa final na 2:17 oras ng labanan.

Sa kabila ng medyo may kaliitan at batang koponan, nasorpresa ng Blades ang mga manonood ng kanilang dominahin ang unang bahagi ng laro matapos na burahin ang 25-puntos na agwat ng dalawang beses na ang huli ay sa 56-31 may 2:00 ang nalalabi sa third period.

Mula sa 57-69 ng iskor, nagbaba ang Jewelers ng 15-4 run sa kaagahan ng final canto upang pababain ang kalamangan sa 72-73, 4:39 ang oras sa tikada.

Ang basket ni Roldan ang nagdala sa Blades sa 83-77 may 16.3 segundo na lamang, habang isiniguro naman ni Al Magpayo na tumapyas ng walong puntos at 8 rebounds ang final na iskor.

vuukle comment

AL MAGPAYO

BATANGAS

CHALLENGE CUP

MIKE ROLDAN

MONTANA JEWELS

MULA

NAGPASIKLAB

NAGSALPAK

PASIG SPORTS CENTER

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with