^

PSN Palaro

2 RP boxer laglag

-
BUSAN – Tanging si Harry Tanamor na lamang ang may pag-asang maiahon ang kampanya ng Philippine boxing team makaraang lumasap ng kahindik-hindik na kabiguan sina Anthony Igusquiza at Maraon Goles sa pagpapatuloy ng aksiyon sa boxing competition na ginaganap sa Masan Stadium.

Lumasap ng RSC-outclassed na kabiguan si Igusquiza sa kalabang si Mahmudov Dishod ng Uzbekistan nang ratratin ng suntok ng Uzbek ang Pinoy sa ikatlong round kung saan pinigil na ng referee ang laban, may 1:19 pa ang nalalabi sa naturang round ng kanilang lightweight match.

Sa unang round pa lamang, bugbog-sarado na ang Pinoy nang agad tapusin ng Uzbek ang first round sa 10-4 at bigyan ng magkakasunod na left at right combination si Igusquiza sa ikalawang round upang tapusin naman ito sa 21-11.

Sa kabilang dako naman, mas nakakahiyang kabiguan ang tinanggap ni Goles makaraang patumbahin ito ng Pakistani na si Ahmed Ali Khansa, may 1:50 sa first round pa lamang ng kanilang middleweight quarterfinal bout.

Bunga ng kabiguang ito nina Igusquiza at Goles, tanging si Tanamor na lamang ang kakampanya para hindi mabokya ang boxing team sa medalya ngunit isang napakalaking asignatura ito para sa 24-anyos na Pinoy pug dahil ang kanyang makakaharap ay ang defending champion na si Suban Pannod sa Oktubre 12 sa kanilang semifinal match.

"Kaya naman ang Thai na kalaban, pero siyempre dapat parehas lang ang maging hatol," pahayag ni National coach Nolito Velasco sa tsansa ni Tanamor.

Kapag nanalo si Tanamor, Korean ang makakasagupa nito sa finals. (Ulat ni Dina Marie Villena)

AHMED ALI KHANSA

ANTHONY IGUSQUIZA

DINA MARIE VILLENA

HARRY TANAMOR

IGUSQUIZA

MAHMUDOV DISHOD

MARAON GOLES

MASAN STADIUM

PINOY

TANAMOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with