^

PSN Palaro

RP boxers maaasahan

-
BUSAN -- Matapos ang walong taong pagkauhaw sa gold medal sa Asian Games, naniniwala si Philippine boxing team coach George Caliwan na magde-deliver ang mga boxers ngayon dito.

"The signs look good," pahayag ng 51-gulang na si Caliwan kahapon habang nagte-training malapit sa quarters ng RP delegation sa Athletes Village dito. "They’re confident and they have trained long enough to be in top mental and physical shape to win again after the Hiroshima Asiad in 1994."

Ang Philippines ay nagbulsa ng tatlong ginto sa Hiroshima mula kina Onyok Velasco, Reynaldo Galido at Elias Recaido Jr. ngunit nabigong makasungkit ang mga Pinoy ng ginto sa Bangkok noong 1998.

Umaasa sina Caliwan at ang kanyang assistant na si Nolito ‘Boy’ Velasco kay Violito Payla, isang 23-gulang na flyweight mula sa Cagayan de Oro City na nakakuha ng apat na gold medals sa iba’t ibang international tournaments.

"Sa tingin namin, malaki ang pag-asa ni Violito na manalo dito sa Busan," wika ng dalawang coaches.

Matapos manalo ng gold sa Balado Cup sa Cuba noong nakaraang taon, inuwi nito ang tatlong sunod na gold sa Chowdry Cup sa Azerbaijan, Tammer Cup sa Finland at Acropolis Cup sa Greece sa taong ito bago magkasya lamang sa bronze sa Pyongyang International Championships sa North Korea noong nakaraang buwan.

Ang iba pang mga baguhan ay sina lightfly Harry Tanamor, bantam Ferdie Gamo, feather Roel Laguna, light middle Christopher Camat at light heavy Maraon Goles na nakakuha ng gold sa Pyongyang.

Ang dalawang veterans ay sina Sydney Olympian Romeo Brin, light welter at lightweight Anthony Igus-quiza na inaasahang magbubulsa ng medalya.

vuukle comment

ACROPOLIS CUP

ANG PHILIPPINES

ANTHONY IGUS

ASIAN GAMES

ATHLETES VILLAGE

BALADO CUP

CALIWAN

CHOWDRY CUP

CHRISTOPHER CAMAT

ELIAS RECAIDO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with