^

PSN Palaro

DLSU Green Archers malinis pa rin

-
Nagpasiklab si Carlo Sharma sa huling limang minuto ng sagupaan upang igiya ang defending champion De La Salle sa 92-85 tagumpay kon-tra sa University of the East upang panatilihing malinis ang kanilang kartada sa pagpapatuloy ng 65th UAAP men’s basketball tournament sa Rizal Memorial kahapon.

Tumapyas si Sharma ng 24-puntos, walo nito ay mula sa huling minuto ng labanan upang pangunahan ang Green Archers sa kanilang ika-11th sunod na panalo na nagsiguro sa kanila ng twice-to-beat bentahe sa Final Four.

Humatak rin si Shar-ma ng 15 rebounds kung saan sa huling 2:12 minuto ng labanan ay pumukol ito ng dalawang layup at dalawang free throws upang agawin ang 80-79 pangunguna.

Nauna rito, pinasabog naman ng Far Eastern University ang National University, 95-68 upang pagandahin ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng ikalimang panalo matapos ang 11 laro at manatiling buhay ang kanilang tsansa sa Final Four. (Ulat ni M. Repizo)

vuukle comment

CARLO SHARMA

DE LA SALLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

HUMATAK

NAGPASIKLAB

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with