MBA magbabago ng format,natitirang laro kinansela
July 27, 2002 | 12:00am
Bagamat pananatilihin ang orihinal na regional basketball concept, inihayag kahapon ng Metropolitan Basketball Association board ang kanilang planong pagbabago sa format ng liga matapos ang isang pagpupulong ng mga opisyal, players at coaches habang nakapa-hinga ang kasalukuyang Jones Cup kung saan naki-bahagi ang Selection ng MBA players.
Kinansela rin ni MBA chairman Santi Araneta ang mga natitirang laro ng Nationals matapos nitong pulungin ang marketing group na lilikha ng bagong porma ng liga.
"Weve staked all we had in the posibilities of a creating a pro league that is also grassroot and regionally rooted. In five years, we have learned and gained more than we really expected, and it primed us to seek another avenue that would make the MBA a success both as a business venture and a sports league," wika ni Araneta.
Optimistiko si Araneta na higit na magiging matatag ang bagong MBA na inaasahang mas magiging kapanapanabik sa pagkakataong ito.
Ilan sa mga tinalakay sa meeting ay ang transformation ng MBA sa amateur league mula sa professional bagamat hindi gaanong pabor ang ilan sa mga team owners na kinabibilangan din ni Araneta.
Siniguro rin ni Araneta na babayaran ang mga suweldo ng mga players, coaches at league staff.
Iginiit din ni Araneta na mananatili ang kanilang opisina gayundin ang kanilang regional offices, websites na siyang maghahatid ng mga balita sa mga bagong kaganapan sa liga bago magbukas ang bagong torneo sa susunod na taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended