Sharapova proud kay Eala

MANILA, Philippines — Hindi lang ang Pilipinas at ang lagpas 100 milyong populasyon nito ang humanga at nagbunyi sa makasaysayang tagumpay ni Alex Eala saWimbledon sa All England Lawn Tennis and Croquet Club sa London.
Maging ang ibang lahi sa sports man o sa Hollywood ay nakisaya sa mga Pinoy matapos sibakin ng 21-anyos na Pinay ang reigning Wimbledon queen at world No. 3 na si Iga Swiatek ng Poland, 7-6, (11-9), 6-2.
At isa na rito ang “super idol” ni Eala na si Maria Sharapova ng Russia, dating world No. 1 at 5-time Grand Slam champion.
“A star,” ani Sharapova na ang larawan kasama ang batang si Eala noong 2000s ay trending ngayon online.
“Alex is such an inspiration for kids in the Philippines and all over the world. Keep going for it Alex,” wika rin ni dating world No. 1 Billie Jean King ng USA, isa sa greatest players sa kasaysayang ng world tennis hawak ang 39 Grand Slam titles.
Si Eala ang kauna-unahang Pilipino na nakapasok sa Round of 16 ng anumang Grand Slam sa kasaysayan. Ito ay matapos rin siyang maging kauna-unahang Filipina na nagka-seed sa Grand Slam (No. 29), nanalo sa Grand Slam at nakapasok sa third round bago ang dagdag na kasaysayan sakay ng tagumpay kay Swiatek.
At naramdaman ito hindi lang sa sports nang hindi rin magkamayaw sa tuwa sa kakatalon at palakpak ang Hollywood celebrities sa pangunguna nina Marvel superheroes na sina Andrew Garfield (Spiderman) at Tom Hiddleston kasama sina Anna Wintour, Simone Ashley, Michaela Coel, Emma Corrin at Monica Barbaro.
Sa Pinas, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namuno sa selebrasyon kahit pa nasa Canada ito para sa opisyal na lakad.
“Napanood n’yo ba si Alex kanina?,” ani Marcos Jr. na itinaas ang kanyang 2 kamay sa tuwa matapos ibahagi ang panalo ni Eala sa Malacañang reporters sa Vancouver.
“Marami pang ibubuga ang bata natin. Congratulations, Alex. Keep it up. The whole Filipino nation is cheering you on. We know that you are fighting to make us proud, [to] bring luster and honor to the Philippines. Keep going. We’re all behind you.”
- Latest






















