Ano ang Real Score kay Webber?
July 13, 2002 | 12:00am
SA labanang ulot buntot noong Sabado ay nagawa ng Shell Velocity na hiyain ang nagtatanggol na kampeong Batang Red Bull, 82-81 para sa kauna-unahang panalo nito sa apat na laro sa Samsung-PBA Commissioners Cup.
Marami ang na-shock sa panalong iyon ng Turbo Chargers. At natural na mas na-shock sina Red Bull coach Yeng Guiao at mga bata niya.
Puwes, nakabawi na ang Red Bull sa shock na iyon nang magapi nila ang San Miguel Beer, 78-73 sa isang napakainit na laro noong Huwebes. Bunga ng panalong iyon ay nakasalo ng Thunder ang Coca-Cola sa itaas ng standings nang may 4-1 karta.
Pero hindi naman ang Red Bull ang pag-uusapan natin. Kasi ngay alam naman nating malakas ang Red Bull at matindi ang kumbinasyon ng imports nitong sina Antonio Lang at Julius Nwosu. Expected namang makakabawi ang Thunder kahit paano.
Ang pag-uusapan natin ditoy ang Shell Velocity.
Matapos na talunin ang nangungunang Thunder, malamang na lumakas ang loob ng Turbo Chargers at naniwala na sila sa kanilang sarili. Siyempre, mayroon ding nagsabi na tama na ang kumbinasyon ng imports ng Shell Velocity. Tama ang pagpapauwi nila kay Askia Jones at pagkuha kay John Jackson. At tama rin na i-retain nila ang serbisyo ni Sedric Webber na matagal na rin namang nandito sa ating bansa. Hindi nga bat sa huling game ng Shell Velocity sa elims ng nakaraang Governors Cup ay nandito na si Webber?
Puwes, panandalian lang pala ang sayang madarama ng Turbo Chargers sa kanilang dibdib. Mangyariy matapos silang magwagi sa Batang Red Bull ay nagpaalam si Webber. Uuwi daw siyat may problemang pampamilya na dapat asikasuhin. Isasabay na rin daw niya ang pagpapa-check up sa kanyang likod na paminsan-minsan ay nananakit.
Pinayagan siya ng Turbo Chargers at umaasa ang mga ito na babalik si Webber sa Hulyo 23. Iyon kasi ang kanyang paalam. At habang hinihintay ang pagbabalik ni Webber ay kumuha muna ng temporary replacement si coach Perry Ronquillo sa katauhan ni George Banks, isang 67 forward na naging second round pick (45th overall) ng Miami Heat sa NBA draft noong 1995. Si Banks ay galing sa Australian NBL kung saan naglaro siya para sa Canberra Cannons.
Bale dalawang linggo ang guaranteed contract ni Banks.
Pero teka, teka, teka.
May humuhugong na balitang kaya daw nagtungo sa Estados Unidos si Webber ay dahil sa naimbitahan itong dumalo sa training camp ng isang NBA Team. Kapag hindi siya nakuha ng team na itoy babalik siya sa July 23. Pero kapag nakuha siya at nagpatuloy sa pakikipag-ensayo, malamang na hindi na siya makabalik!
Naku po!
Ibig sabihin ay hindi tiyak kung babalik pa si Webber o hindi. Kaya naman umaasa ang Turbo Chargers na magaling ang temporary replacement na nakuha nila. Kapag pumalpak si Banks, tagilid na naman ang Turbo Chargers.
Baka muli silang sumisid!
NAKIKIRAMAY kami sa mga naulila ni Rosauro "Totoy" Nepomuceno, kapatid ng sports photographer na si Tony Nepomuceno. Si Totoy ay sumakabilang buhay noong Hulyo 9 at kasalukuyang nakaburol sa Dependable Motors Shop sa Quezon Boulevard.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended