Bugso Ng Damdamin
July 6, 2002 | 12:00am
MASAKIT din sa bulsa ang P50,000 na multang ipinataw kay Batang Red Bull coach Joseller "Yeng" Guiao dahil sa "panunulot" na ginawa niya kay Marlou Aquino sa pagtatapos ng kanilang laro laban sa Sta. Lucia Realty noong Linggo sa Araneta Coliseum.
Kung ikukumpara iyon sa P20,000 na multang ipinataw naman kay Aquino, abay daramdamin din naman talaga ni Guiao iyon.
Sa tutoo lang, maraming nagsasabing hindi dapat na pinatulan ni Guiao si Aquino sa sitwasyong iyon. Nagkainitan sina Aquino at Red Bull import Antonio Lang sa laro. Nagkapikunan. Puwes, bahagi iyon ng laro at hindi maiiwasan. Contact sport kasi ang basketball, eh. At siyempre, kung minsan istratehiya din naman yung pikunin ang kalaban, lalot import ito, at nang mawala ang konsentrasyon nito sa laro. Alam din naman ni Guiao iyon.
Ang nakalulungkot kasiy tapos na ang laroy nagsisigawan pa sina Guiao at Aquino. Hindi na bahagi ng laro iyon. Dapat ay kinalimutan na nila ang nangyari sa hardcourt at nagkamayan na lamang.
Mas masaklap pa rito ay kung babalikan ang history ng Batang Red Bull sa PBA. Hindi bat nang tanggapin ng PBA ang Red Bull bilang ikasampung miyembro ng liga noong 2000 ay kinursunada nito si Aquino?
Magugunitang bago nagsimula ang 2000 PBA season ay ipinamigay ng Barangay Ginebra si Aquino sa Sta. Lucia Realty kapalit ni Zandro Limpot, Jr. Tila ayaw ni Aquino na maglaro sa Realtors kung kayat napakatagal bago ito pumirma ng kontrata.
Katunayan, hindi nga ito pumirma ng kontrata sa Sta. Lucia at sa halip ay pinirmahan nito ang offer sheet na inialok ng Batang Red Bull. Bale one year ang nakasaad sa offer sheet at sandamakmak na magagandang bonus schemes ang nakapaloob dito.
Noon ay sinabi ni Guiao na kailangan nila ang isang manlalarong tulad ni Marlou at magiging masaya siya kung masusungkit nga nila ito sa Realtors.
Pero siyempre, hindi pumayag ang Sta. Lucia na basta makaalpas sa kanila si Marlou. Pinantayan ng Realtors ang offer sheet kung kayat tuluyang nakapaglaro sa Sta. Lucia ang 69 cager na tinaguriang "The Skyscraper." Nang lumaon ay nagustuhan na ni Marlou sa Sta. Lucia kung kayat nang mapaso ang kanyang kontrata noong Disyembre 2000 ay pumayag ito sa isang five-year extension.
Natabunan na ng init ng sitwasyon noong Linggo ang kabanatang ito sa buhay nina Guiao at Aquino. Para bang sinunog na nila ang tulay ng nakaraan at kinalimutang minsan ay muntik na silang magkasama sa iisang koponan.
Ewan ko, pero siguro kahit paanoy nahimasmasan na sina Guiao at Aquino hindi dahil sa mga multang ipinataw sa kanila ni Commissioner Emilio Bernardino, Jr.
Siguro nga, kahit na hindi sila pinagmulta, baka matapos matulog noong Linggo ng gabiy naisip na rin nilang mali ang kanilang ginawa.
Nagkahiyaan na lang, eh.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 28, 2024 - 12:00am