^

PSN Palaro

Laureano ISUP national champs

-
Matagumpay na naidepensa ni Fran Laureano ng Las Piñas ang kanyang korona sa women’s Seniors category sa pamamagitan ng kanyang impresibong performance sa pagtiklop ng dalawang araw na ISUP Nationals 2002 ice skating championships noong Huwebes sa Southmall ice skating rink sa Las Piñas City.

Dominado ng 14-anyos na si Laureano ang Short at Long Program nang umiskor ito ng 11.24 puntos at makopo ang ginto kontra sa kanyang mahigpit na kalaban na si Kilani Dewit ng ISUP-Las Piñas na nakuntento lamang sa silver bunga ng 11.11 puntos.

Napasakamay naman ni Leia Felipe ang bronze sa kanyang 10.80 puntos.

Sa men’s Senior’s category, sinungkit ni Dale Feliciano ng ISUP-Mandaluyong ang ginto nang talunin sina John Solanzo at Ronan Capili na pawang taga ISUP-Las Piñas.

Lumikom ang 23-anyos two-time National’s silver medalist na si Felciano ng 11.25 puntos upang lukuban ang 11.12 at 10.64 puntos na produksiyon nina Solanzo at Capili, ayon sa pagkakasunod.

CAPILI

DALE FELICIANO

DOMINADO

FRAN LAUREANO

JOHN SOLANZO

KILANI DEWIT

LAS PI

LEIA FELIPE

LONG PROGRAM

RONAN CAPILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with