^

PSN Palaro

Solo liderato itataya ng Ateneo vs Blu

-
Itataya ng nangungunang Ateneo-Hapee Negros Navigation ang kanilang solong pamumuno sa kanilang pakikipaglaban sa mapanganib na Blu Sun Power ngayon sa pagpapatuloy ng semifinals ng 2002 PBL Chairman’s Cup sa Pasig Sports Center.

Pinapaborang manalo ang Blue Eagles sa alas-3:00 ng hapong engkwentro dahil sa kanilang 2-1 head-to-head record laban sa Detergent Kings.

Nanalo ang Ateneo sa kanilang unang pagkikita, 58-48 noong Abril 12 at gayundin sa kanilang unang semifinal encounter noong May 24, 64-57, habang ang Blu ay nakaganti sa Ateneo, 91-88 noong May 3.

Ngunit galing ang Ateneo sa nakakapagod na 85-77 double overtime panalo kontra sa Kutitap habang ang Blu ay naka-back-to-back win laban sa Kutitap Toothpaste at Shark Energy Drinks.

Mahalagang panalo naman ang puntirya ng Kutitap na nalaglag sa 10-7 matapos matalo sa Ateneo, sa kanilang pakikipagharap sa Shark sa alas-5:00 ng hapon upang makahabol sa 5-of-8 incentive rule na magbibigay sa kanila ng karapatang hamunin ang no. 2 team para sa huling finals slot.

Ang Ateneo ay kasalukuyang may 11-5 win-loss slate kasunod ang ICTSI-La Salle na may 11-6, Blu (10-6) at Kutittap (10-7) habang ang Shark ay may 6-11 kartada.

"The situation is quite unpredictable that no team yet is sure of the finals. That makes the last three games even more important. And as much as possible, we have to win them all to assure ourselves of the finals," ani Ateneo coach Joel Banal.

ANG ATENEO

ATENEO

ATENEO-HAPEE NEGROS NAVIGATION

BLU

BLU SUN POWER

BLUE EAGLES

DETERGENT KINGS

JOEL BANAL

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with