^

PSN Palaro

Hugnatan, MBA Hardcourt Hero

-
Isa nang bigating player si Reynel Hugnatan ng RCPI-Negros Slashers ng Metropolitan Basketball Association (MBA) matapos nitong makopo ang Hardcourt Hero citation sa katatapos lamang ng First Conference championship series.

Na-sweep ng RCPI-Negros Slashers ang serye 3-0 upang makopo ang kanilang unang kampeonato matapos ang limang taon makaraang igupo ang Batangas sa 87-82 panalo sa Lipa City Youth and Cultural Center.

Hindi mapigilan si Hugnatan sa kanyang naitalang 26-puntos at 11-rebounds sa Game Three na siyang nanalasa sa ikalawa at ikatlong quarters kung saan humakot ito ng 10-puntos.

Sa tulong ni Hugnatan ay nanatiling nakadikit ang Slashers sa kalaban at ang kanyang back-to-back baskets sa kaagahan ng ikatlong quarter ang nagbigay sa Negros ng kalamangan sa kauna-unahang pagkakataon, 51-49 at mula dito’y di na bumitaw pa.

Naging mahusay din si Hugnatan sa depensa na siyang humugot ng krusiyal na rebounds na siya ring nagpatalsik sa main man ng Blades na si Eddie Laure, 3:13 ang nalalabing oras sa laro.

Si Hugnatan ay may kabuuang 19-puntos, 10. 3 rebounds matapos magtala ng 13 puntos at 12 rebounds sa Game One at 18-puntos at 8-rebounds sa Game Two.

vuukle comment

EDDIE LAURE

FIRST CONFERENCE

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

HARDCOURT HERO

HUGNATAN

LIPA CITY YOUTH AND CULTURAL CENTER

METROPOLITAN BASKETBALL ASSOCIATION

NEGROS SLASHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with