^

PSN Palaro

Paragua lumapit sa titulo

-
Ginapi ni International Master Mark Paragua ang defending champion John Paul Gomez noong Martes upang makalapit ng dalawang panalo para makopo ang premier Under-20 title ng Philippine Youth Age-Group Chess Championships sa 2/F Centermall.

Naglaro na hawak ang mga itim na piyesa, magaang na isinulong ni Paragua ang kanyang King’s Indian Defense kontra Gomez upang itala ang kanyang panalo sa 31 sulungan upang pagandahin ang kanyang nalikom na puntos sa 6.5 makaraan ang pitong rounds.

Haharapin ng 18-anyos na grandmasters-candidate na si Paragua si Abraham Bayron sa eight round, isa sa nalalabing tinik sa landas para sa kanyang kauna-unahang national junior title.

Pinisak ni FIDE Master Sander Severino si Gabriel Parril upang makalapit kay Paragua sa isang puntos na lamang patungong huling dalawang rounds.

Sina Gomez at Bayron ay nagtabla para sa ikatlong puwesto.

Nagtala rin sina NM Roderick Nava ng 6.5 puntos para pamunuan ang Under 18 division, habang bumandera naman si Jerommel Gabriel sa 16-under class sa kanyang natipong anim na puntos.

ABRAHAM BAYRON

F CENTERMALL

GABRIEL PARRIL

INDIAN DEFENSE

INTERNATIONAL MASTER MARK PARAGUA

JEROMMEL GABRIEL

JOHN PAUL GOMEZ

MASTER SANDER SEVERINO

PARAGUA

PHILIPPINE YOUTH AGE-GROUP CHESS CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with