^

PSN Palaro

Shark di umubra sa Kutitap

-
Ipinagpatuloy ng Kutitap Toothpaste ang kanilang pananalasa nang kanilang pasadsarin ang defending champion Shark Energy Drinks 79-58 sa pagsisimula ng semifinal round ng 2002 PBL Chairman's Cup sa Makati Coliseum.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Teeth Sparklers na nagpaganda ng kanilang record sa 8-5 panalo-talo sa five-team double round carryover semifinals.

Nagsanib ng puwersa sina Cyrus Baguio at Niño Gelig na tumapos ng 21 at 18 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Kutitap upang ipalasap sa Power Boosters ang ikapitong talo sa 13-laro sanhi ng kanilang pagkakabaon sa pangungulelat.

Magarbong binuksan ng Kutitap ang labanan nang kanilang iposte ang 26-13 kalamangan sa pagsasara ng naunang yugto kung saan humakot si Baguio ng 11-puntos.

Si Baguio din ang trumangko sa ikatlong quarter kung saan huma-taw ito ng 10-puntos upang ihatid ang Teeth Sparklers sa pinakama-laking kalamangan na 31-puntos, 66-35, 1:40 ang oras sa naturang yugto.

Bagamat nasa pangungulelat ang Shark, may five-of-eight incentive rule silang makakapitan upang manatili sa landas tungo sa pagdedepensa ng kanilang titulo.

"Everybody worked hard for the team, specially our veteran players. May halo na ring konting suwerte kahit papano dahil pumasok 'yung mga tira namin," pahayag ni Kutitap coach Coy Banal.

BAGAMAT

COY BANAL

CYRUS BAGUIO

GELIG

KUTITAP

KUTITAP TOOTHPASTE

MAKATI COLISEUM

POWER BOOSTERS

SI BAGUIO

TEETH SPARKLERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with